Wakas (Part 2)

872 24 3
                                    

Wakas (Part 2)

Nang umalis si Tri sa party kalagitnaan ng party, hindi na rin ako bumalik dahil ang tanging dahilan lang naman kung bakit ako umattend ng Prom ay dahil nalaman kong aattend siya. At halos isang buwan ko ring pinagplanuhan ang ginawa ko ngayong gabi. I know it didn't reach anyone's expectation—particularly Archie who knows every detail of my plan—but, hey, what's matter is that I did it. I finally talked to her after eight years.

I smiled dreamily at the image of her earlier. Ilang beses ko na siyang nakaharap pero mukhang hindi niya 'ata ako naaalala dahil bakas sa mukha niya ang confusion nang lumapit ako sa kaniya kanina. Nevertheless, I made my first move. I made my first impression. And I finally had the nerve to introduce myself to her. I was thirteen when I first met her and from then on I never looked at any other girls the way I look at her.

I'll admit that there are days when I feel like I'm wasting my time over her—her who doesn't even know my name. Na minsan dumadako sa isip kong bata pa ako at dapat ay sumasabay ako sa agos ng buhay. When I was a teen, everyone said that I should date because it's part of growing up. I did. But at the end of the day, my mind still wanders over someone I can never reach. Sabi ni mama, normal ang ma-heartbroken dahil parte iyon ng kabataan ko. And guess she was right because since I met Tri in my life, I've been in constant heartbreak.

But here's the thing. In spite of how many heartbreaks she—not her fault, by the way—gave me, I still can't make myself stop thinking about her and fantasizing about how would it feel to finally enter her world. How fulfilling would it feel when she finally accepted me in her life?

That's the dream.

Bumagsak ang dalawa kong balikat at tiningala ang maliwanag na bilog na buwan sa gitna ng kalangitan. Nasa terrace ako ngayon at hindi pa nakakapagpalit ng damit dahil kahit kanina pa ako nakauwi ay naglalakbay pa rin ang isip ko sa nangyari kanina.

"Feeling mo ba nasa kdrama ka?"

Tamad kong nilingon ang kapatid kong nasa pintuan at nakataas ang kilay sa'kin. At the age of sixteen, she's already five-seven tall. Minsan napagkakamalan siyang mas matanda sa totoong edad niya at marami na ang nag-udyok sa kaniya na sumali sa mga beauty pageants pero hindi niya hilig. Ayos naman sa kaniya na mag-muse sa mga basketball leagues at sumali sa ilang competition sa school pero beauty pageants? Never in her life— as she quoted.

We share the exact similar features that make us look like twins only if I wasn't just older than her. Black olive eyes, pointed nose, bronze skin, thick brows, and petite body shape—that's our only difference because I'm big and she's not. When she was younger she liked her hair long and straight but when she started to learn how other people view it as an asset for her to become a model, she decided to cut it. It's been a year since she started sporting neck-length hair.

"Anong oras na, oh. Matulog ka na kaya." Kahit may mga pagkakataon na naiinis ako sa kapatid ko dahil sa pang-aasar niya, hindi ko naman magawang ipakita sa kaniya iyon dahil mahal ko siya.

Unlike other brothers, I am very showy. I don't hide my affection towards my family. And with a family that only consist of four members, we're all pretty close. My father is the Barangay captain while my mother is a public school principal. Hindi ganoon kalakihan ang mga sahod nila at sapat lamang iyon upang mabuhay kami at kahit paano ay magkaroon ng komportableng buhay. Simple ang buhay namin sa loob ng simpleng bahay na mayroon kami at nagpapasalamat pa rin ako na kahit hindi ako pinanganak na mayaman, pinagpala naman ako sa'king mga magulang at kapatid. I remember how our neigbors used to say that we're a rare family dahil sa aming subdivision kami lang ang mayroong family time tuwing gabi. Madalas nilang napapansin ang pagtambay naming apat sa harap ng bahay at nagkekwentuhan at kung minsan ay nag-iihaw.

Wild Series #6: Twisted by WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon