#TBW24

1.5K 35 1
                                        

Entry 24

I was discharged that day, too. Dax went with me at doon ko lang nalaman na hindi pala alam nila tita na nakalaya na siya. Gusto ni Daddy na ihatid niya ako sa'king apartment pero sinabi kong si Dax na lang ang sasama sa'kin. And my mother hasn't talked to me yet after that short conversation we had. My father already apologized and I know that he was sincere about it. He's not expressive and his words are really not emotional because he's a businessman who talks and express himself logically, but, that time, I saw that he was genuinely regretful of everything that had happened in our family. Hindi lang ako nakakasigurado kung nakausap niya ba si Mommy dahil hanggang ngayon ay wala akong natatanggap na tawag o text man lang mula sa kaniya.

When I thought that my father is more complicated than my mother, I was wrong. Dad is cold and domineering, my mom, on the other hand, knows how to act sweet and kind. Sa kanilang dalawa, inisip ko noon na si Mommy ang unang makakaintindi sa'kin pero hindi pala.

Lumakad ako palapit sa pintuan at pinunas ang basa kong kamay sa likod ng aking pantalon. Pinihit ko ang doorknob at sumalubong sa'kin ang nakabungisngis na mukha ni Dax.

"Kaaalis lang ni nanay." Panimula ko dahil alam niyang bibisitahin ako ngayon ni nanay.

Gusto niya sanang makipag-bonding kay nanay kaso kinailangan niyang asikasuhin ang requirements niya for scholarships. Masyado na ring nalalapit ang exams niya at kahit hindi niya sinasabi ay halata sa mukha niyang kinakabahan siya.

"Ayos lang. Alam kong natutuwa pa rin 'yon na ako ang boyfriend mo."

Hindi ko pinansin ang sagot niya at tumabi sa daan upang makapasok siya.

"Nah," he shook his head. "Susunduin kita kaya nandito ako."

Kumunot ang aking noo. Wala akong maalala na may plano kami ngayong araw na umalis. Tatlong araw na ang nakakaraan noong mangyari ang bagay na ayaw kong maalala pa. I was surprised when his parents told me that they understand my parents. Nagalit sila sa ginawa ng mga magulang ko sa kanilang anak ngunit narinig ko mula sa bibig nila na ayaw nilang magtanim ng ano mang sama ng loob sa kanino man. Kasama na roon ang mga magulang ko.

And that's what made me and Dax decide to just move on. What happened will never be forgotten and I can't say that I had forgiven my parents for what they did, but we're moving. We have to continue living despite everything we've been through. Dahil kung patuloy naming babalikan ang natapos na, hindi namin makikita kung anong maaaring ibigay ng mundo sa hinaharap.

I love my parents and I accepted my father's apologies, but I'm still not sure how to forgive them. I've seen how my father tried his best to make up for the bad things he had done to me by apologizing to Dax's parents as well. Pero pakiramdam ko ay hindi sapat iyon. Maybe, in time, I can say that they are forgiven.

"Wala ka namang sinabi na aalis tayo."

Hilaw siyang ngumisi at nagkamot ng batok. "Makikipagkita ako kay Archie ngayon. Gusto kitang isama."

Mas lalong lumalim ang gitla sa'king noo.

"Bakit mo 'ko isasama?"

He looked at me like he was offended by my question.

"Girlfriend kita. Gusto kitang isama—"

"You don't have to bring me with you, Dax. Surely Archie only wants to talk with you."

"Kahit na!"

Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa parang bata niyang pagsigaw. Unti-unti ay bigla siyang ngumisi nang malapad ulit. I gritted my teeth to suppress a smile. Honestly, I would risk everything just to see him smiling every day. Noon, lagi akong naiinis kapag nakabungisngis siya at lagi akong ginagambala sa tuwing nananahimik ako at minsan pa ay sinusundan. Pero ngayon, gustong-gusto ko nang ginagawa niya ang mga iyon para sa'kin.

Wild Series #6: Twisted by WildMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon