Entry 07
"Nasaan na 'yung mga kartolina?!"
Napahinto ako sa gitna ng hallway nang makita ko ang ayos nito. Nasa pangatlong palapag kami ng building ng college namin dahil mga fourth year students na kami. Nang dumaan ako sa dalawang palapag ay maayos naman at walang nagsisigawan ngunit sa pag-apak ko sa sarili naming floor, ilang metro pa ang layo ko mula sa classroom ay dinig na dinig ko na ang boses ng mga kaklase ko.
Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang inayos nilang harang sa gitna ng hallway na magsisilbing entrance sa mga papasok sa horror house namin. Gamit ang kulay itim na mga kurtina na pinagdikit-dikit nila ay nagmukha namang maayos ang gagawing horror house.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at pumasok sa ginagawa nilang entrance. Hindi ko napansin na may tao nang buksan ko ang kurtina kaya naman agad umatras si Leovic nang makita ako, naging dahilan iyon upang madali niya ang iba naming kaklaseng lalaki na inaayos ang mga harang at nasira ang pinaghirapan nila.
"Putangina, Leovic!" Galit na sigaw ni Daven.
Hindi ko sila pinansin at nagdiretso papasok sa loob ng classroom na kumpara sa labas ay malapit nang matapos ang nasa loob. Kahapon ng hapon pagkatapos ng huli klase namin sinimulang ayusin ang classroom kaya siguro pumasok sila ng maaga upang matapos. Dahil sa hitsura ng classroom namin paniguradong wala nang papasok na professor para magturo.
"Anong nangyari?" Natatarantang lumabas si Elora upang tignan ang nangyari sa labas.
Hindi nagtagal ng ilang segundo bago namin siya narinig na madramang umungol at nagsimulang pagsabihan ang mga lalaki sa labas. Siya ang may ayaw sa horror house noong una pero siya pa rin naman ang tumututok sa pag-aayos ngayon.
"Good morning, Tri!"
Nakatayo lang ako sa gilid malapit sa blackboard— na puno ng kulay puti at pulang mga chalk— dahil wala naman akong uupuan sa loob nang sumulpot si Allison sa harap ko. She's holding a make-up kit in her arms.
"Sure ka na bang ayaw mong mag-multo bukas?" Tanong niya nang hindi ko ibalik ang bati niya sa'kin.
Umiling lang ako sa kaniya. Noong isang araw niya pa ako paulit-ulit na pinipilit na samahan ko siyang mag-white lady kahit halos lahat naman ng kaklase namin ay gustong manakot. And it's not that I don't like the idea of acting like a ghost for a day, but my parents will never just allow me. Sinabi ko iyon kahapon kay Mommy, ang tungkol sa horror house, at hindi niya ako pinayagan. She said that I will only look a fool.
"Bakit naman?" She pouted in front of me that I got reminded of someone because of that.
I stare at her as she continue to act cute in front of me or more like trying to act like she's sulking. Hindi ko sana siya sasagutin at umambang lalagpasan siya upang maghanap ng pwedeng gawin pero hindi ko rin alam, nitong mga nakaraan ay nakikita ko na lang ang sarili ko na sumasagot sa mga tanong na noon ay hindi ko pinagtutuonan ng pansin.
"Hindi ako pinayagan ni Mommy." I answered.
Nakita ko sa reaksiyon niya na hindi niya naintindihan ang sagot ko. But later on, she nodded. Hindi ako sigurado kung nakuha niya ba ang sinabi ko o tumango lang siya base sa pagkakaintindi niya. I don't think she'll understand. People only know that I have no problems with my parents. If they can't consider my parents frequent prohibitions.
"Aren't you like a robot for doing whatever your parents tell you to do?"
Nanlaki ang mga mata ko sa biglaan niyang tanong.
"He-he," she laughed awkwardly. "That's not what I meant. I m-mean..." she's lost for words, it's obvious how she's trying to clear herself to me.
Hindi niya kailangang baguhin ang tanong, naiintindihan ko. Ang hindi ko lang magawang maintindihan ay kung bakit nanatili lang akong nakatitig sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Wild Series #6: Twisted by Wild
RomanceGrowing up, Trishastrea Yael Delavin has to always personify the proper etiquette her parents instill in her. She lived on their terms and fulfill all their orders. The people in their town pictured her as a perfect model of what a lady should be in...
