#TBW28

1.4K 38 7
                                        

Entry 28

"Kapag wala ng time, baka wala na rin ang love."

Nilalabanan ko ang aking sarili na huwag makinig sa usapan ng mga co-workers ko pero kahit kanina pa umaamba ang mga kamay kong kunin ang aking earphones at makinig na lang ng music kaysa makinig sa pinag-uusapan nila, ito pa rin ako at nagkukunwaring busy sa sariling trabaho pero ang totoo ay nakikinig ako sa kanila.

Day off ni Allison ngayon at kapag wala siya dito sa office, wala rin akong ibang makausap. Not that I didn't learned to socialize for the past eight years, it's just that Allison is the only person—besides Dax—on this earth that I would dare speak my thoughts with. Mahirap pa rin sa'kin hanggang ngayon na magtiwala sa ibang tao, kaya gano'n na lang din katagal bago ko tinanggap si Allison sa buhay ko at kinonsidira ko siyang kaibigan.

I learned how to be friendly and they seem to like me back, but every time I turn my back on them, I still feel like they are talking about me. Katulad noong bata pa ako, na sa tuwing sinasama ako nila Mommy sa mga public events ay magkukunwari ang mga taong natutuwa sa'kin pero maririnig ko na lamang kinabukasan na pinag-uusapan na nila ako sa internet dahil sa ugali ko. Kesyo hindi ako ngumingiti kahit kanino, spoiled brat ako, napaka-arte ko, na sana raw ay hindi na lamang babae ang anak ng mga Delavin, at marami pang iba.

Growing up, I learned to tolerate those words, but I'm smart enough for them to not consume me. Siguro at may mga pagkakataon na apektado pa rin ako sa sinasabi ng ibang tao, pero sa ilang taon na naging tampulan ako ng hindi magagandang salita, nasanay na ako. That's also the reason why I feel like no one can hurt me more. I became resilient with all the hate thrown at me and everything I've been through in my life. But people still view me as a spoiled brat heiress of a multi-billion company—that I'm still dependent on my parents. People think that I can never decide for myself. I'm not.

Tinigil ko ang pagbo-browse ng files sa aking computer at tinitigan ang screen. Am I not?

"Naiintindihan ko siya. Ten years na kaming in a relationship, simula pa lang noong high school kami ay manliligaw ko na siya. At kung idadagdag ko ang mga taon ng panliligaw niya, then I've already known him for sixteen years. Ayokong basta na lang isuko ang mga taon na iyon dahil lang nag-away kami."

"Away na tumatagal ng dalawang linggo?"

Bumalik ang atensiyon ko sa mga colleagues ko at natanto kong pinag-uusapan na nila ngayon kung bakit ilang araw nang umiiyak si Amanda. They've been talking about her relationship since I arrived and they didn't bother to hide it from the others. And it's not like Amanda is keeping her relationship lowkey. Ilang beses nang bumisita dito noon ang boyfriend niya—na minsan pa ngang kumalat sa department namin na engaged na sila, but here she is, heartbroken.

"Cool off lang kami—"

"Cool off?" Halos isigaw iyon ng kaibigan niya.

Hindi ko mapigilang hindi makinig dahil kahit hindi naman para sa'kin ang pinapayo nila kay Amanda, natatamaan pa rin ako. I hate to admit it, but we're experiencing the same thing.

"Amanda, kung mahal ka ng tao, kahit busy siya, hahanap pa rin siya ng time para sa'yo. And if he really loves you, he will give you assurance. Hindi ka niya hahayaang mag-overthink."

Bumagsak ang tingin ko sa keyboard. Dax, no matter how busy he is, still finds time to call me or leave a message for me whenever he's on shift. But for me, it's not enough.

Hindi siya pumalya na bigyan ako ng assurance na ako lang ang mahal niya pero...

I sighed.

I guess I'm really the problem.

Wild Series #6: Twisted by WildMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon