#TBW09

1K 35 1
                                    

Entry 09

"Tri! You're gone all day! Sa'n ka galing?"

Bumagal ang lakad ko sa hallway nang salubungin ako ni Allison half-way. Hinatid ako ni Dax sa harap ng department bago siya tumuloy sa sariling building. It's already dark outside at hindi ko inasahan na nandito pa rin ang mga kaklase ko.

"Buti na lang sinabi ko kay Ma'am kanina na nag-C.R ka lang. Saglit lang naman siya dito kanina, dumaan lang kung ayos ba ang horror house natin." She grins at me.

I want to thank her for covering me up but I can't make myself say it to her. I don't know but... it's hard to trust her. I wonder if I'll ever learn to see the real her like how Dax saw me. Can I ever be friends with her? Am I only seeing the things I want to see in her?

Ilang beses niya nang pinakita sa'kin na gusto niya akong maging kaibigan. Mahirap para sa'kin na tumanggap ng tao sa buhay ko ngunit nang makilala ko si Dax, natanto ko na kaya ko. Because I finally accepted Dax in my life. Kaya ko rin bang gawin iyon sa ibang tao? Ang tanggapin sila sa buhay ko?

Marahan lang akong tumango kay Allison at nilagpasan siya upang magtuloy sa classroom. Kinuha ko ang aking bag at lumabas ng building. Nasa labas na agad ang sasakyan namin at sigurado akong kanina pa naghihintay si Kuya Joey, ang driver ko.

"'Wag kayong mag-alala, Ma'am Tri. Sasabihin ko na lang ho kay Sir na na-flat'an tayo kaya tayo ginabi ng uwi." Ani ni Kuya Joey pagkatapos kong makiusap na gumawa ng dahilan kay Daddy kung bakit ako ginabi ng uwi.

May kopya ng schedule ko si Daddy at alam niya kung anong oras ang tapos ng event ngayong araw. Hindi ako sigurado kung nakauwi na ba si Daddy ngunit may mga kasambahay siyang inuutusan na bantayan ang bawat oras ng pag-alis at pag-uwi ko sa bahay. At nagpapasalamat na lang ako na mayroong mga taong kaya pa rin akong pagbigyan katulad ni kuya Joey at nanay.

Nakahinga lamang ako nang maluwag nang dumating kami sa mansion at wala pa si Daddy. Sinalubong ako ni Nanay at tinanong kung bakit late na ako umuwi. Kaya naman habang inaayos niya ang mga pamalit kong damit para sa pagtulog ay kinewento ko sa kaniya ang buong nangyari. Mula sa pag-aaya sa'kin ni Dax na kumain ng street foods hanggang sa makita ko ang mga bata.

"Mabuti naman at may kaibigan ka na." Ngumiti sa'kin si Nanay.

Humilig ako sa silyang inuupuan ko at tinitigan ang sariling repleksiyon sa salamin sa lamesa ko.

"Mabait ang mga magulang ng batang iyon."

Ngumiti lamang ako at hindi sumagot. Hindi rin ako sigurado kung anong tamang sasabihin bukod sa isang beses ko lamang nakausap ang Papa ni Dax ay hindi ko pa nakikilala ang kapatid at Mama nito. At ang sinabi ni nanay na masaya siyang kaibigan ko si Dax. I accepted him in my life, that's what I decided when we're going back to school. He's... my friend.

Buong magdamag kong binalikan ang mga nangyari kanina na bahagya na akong hinila ng antok. Patuloy na naglalakbay ang isip ko sa kaisipan kung mangyayari ba ulit iyon o iyon na ang una at huli. I wish not because I want to experience it again.

"Trishastrea,"

My eyes turned wide open and they directly darted at the end of my bed. I saw Dad in his tux standing with all his authority.

What time is it? It's weekend, right? May lakad ba sina Daddy na kasama ako? As far as I can remember ay wala naman.

Dumapo ang tingin ko sa classic wall clock ng aking kwarto at nakitang pasado alas otso pa lang ng umaga. I was one hour late to my usual wake up.

"Dad," bati ko sa kaniya nang makabawi sa gulat.

Umupo ako sa'king kama at kinusot ang inaantok ko pang mga mata.

Wild Series #6: Twisted by WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon