Entry 10
Nanay told me that she almost had heart attack when she found me gone in my room. Mabuti na lang at wala siyang pinagsabihan na nawawala ako pero hinanap niya rin ako kung saan-saang parte ng hacienda. Naabutan niya na lang ako na pumapasok sa entrance ng mansion at bakas sa mukha niya ang pag-aalala kaya naman sinabi ko sa kaniya ang totoo kung saan ako galing.
"Delikado iyang ginagawa mo, Tri. Kahit gusto kong nakikitang masaya ka at ginagawa ang mga normal na bagay, alam mo kung anong magiging reaksiyon ng mga magulang mo kapag nalaman nila ito." Paalala niya sa'kin habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.
Ngumuso ako at tinignan ang sariling repleksiyon sa salamin. Alam ko naman kung anong consequences ng mga actions ko... but I want to risk it even just for once. O kung mapagbibigyan man muli ako, uulitin ko. Alam kong magagalit ang mga magulang ko sa ginagawa ko pero mali ba iyon? Mali bang pakinggan ang sarili ko kahit minsan?
"Kung ako ang tatanungin ay hahayaan kitang sumama kay Dax dahil siya ang unang kaibigan mo sa labas ng mansion. At base sa mga kwento mo, masaya ka. Ang akin lang ay wala akong karapatan na pahintulutan ka. Ang kaya ko lamang ay pagtakpan ka."
A smile slowly crept in my lips with her last words. Kahit may pakiramdam ako na mahirap sa kaniyang pagtakpan ang lahat ng ginagawa kong labag sa utos ng aking mga magulang, kahit kailan ay hindi niya ako binigo na iparamdam na suportado niya ako.
"It was fun," I said as I tried to recall what happened earlier. "To go out with him and experience a bit of what normal life is."
Nakita ko ang pagdaan ng pinaghalong awa at tuwa sa mga mata ni Nanay. I know what she's thinking. I'm a sucker of knowing what it feels to live like the other normal kids. Hinaplos niya ang aking buhok at hindi nagsalita. And when the tomorrow becomes today, I have to face my reality again.
I saw Dax again with his family when we went to church. Napansin kong marami silang kakilala dahil bago kami lumabas ay nakita ko siyang nakikipagtawanan sa iilang mga nakakatanda. Gano'n rin ang kapatid niya na kinakausap ang mga kaedad niya. I just had to look away because I know the envious will only start growing inside of me if I kept looking at them.
I want that kind of family. Am I selfish if I would ask God to make my parents like Dax's parents?
"You'll get straight to your room when you get inside the mansion. Change your clothes quickly." Mom reminds me before I entered the car.
Fiesta ngayon sa barangay namin kaya naman nagpahanda sina Daddy ng buffet na nakasanayan na dahil madalas bumibisita ang mga tiga-sa'min upang bisitahin ang aming mansion. Kahit gaano pa kaganda ang intensiyon ng mga magulang ko sa mata ng ibang tao, alam kong ginagawa lamang nila iyon upang magpabango sa mga tao.
Pagkalabas ko ng sasakyan ay nakita ko na agad ang iilang mga taong pumapasok sa entrada ng mansion. Nang makita nila ako ay binigyan nila ako ng espasyo sa gitna upang makadaan ako. I was beating myself if I will smile or greet them when I heard my parents' car arrived at doon natuon ang atensiyon ng lahat.
Mabilis akong dumiretso sa'king kwarto at agad akong dinaluhan ni Nanay dahil siya ang madalas nag-aayos ng aking mga gamit at susuotin.
"Sinabi sa'kin ng Mommy mo na ito ang isuot mo." She showed me a new dress she got out from a new unsealed box of Prada.
Kumunot ang aking noo at ginala ang tingin sa malaki kong walk in closet.
"Is that new?" I asked kahit may hula na akong bago nga iyon.
"Oo. Dumating ang mga bagong damit na inorder ng Mommy mo kaninang umaga."
Mom likes to choose my clothes and she has this obsession on buying new designer dresses for me every week. At base sa mga paper bags and boxes na nakatambak sa gilid ng closet ko, she ordered more than what I need. How easy the money for them to throw at these kinds of brands like it's nothing.
BINABASA MO ANG
Wild Series #6: Twisted by Wild
RomanceGrowing up, Trishastrea Yael Delavin has to always personify the proper etiquette her parents instill in her. She lived on their terms and fulfill all their orders. The people in their town pictured her as a perfect model of what a lady should be in...