#TBW19

1.3K 38 1
                                        

Entry 19

Dax's OJT started and the finals came promptly. Nang pumasok ang Disyembre ay mas lalo lamang naging hectic ang mga schedules namin dahil sa maraming pinapasang requirements. Nagkaroon lamang kami ng kakaunting oras na pahinga nang magsimula ang Holiday season. Like what Dax suggested, I spent the holidays with his family. And it surprised me that my family didn't even contacted me during Christmas or New Year. Ni kahit mula kay nanay ay wala akong narinig.

Nang bisitahin namin ang mga bata bago mag-pasko at bagong taon ay nalaman kong dinalhan sila ni nanay ng mumunting regalo. Kahit paano ay naging konsolasyon ko iyon na hindi pa naman ako kinakalimutan ni nanay. I don't know if she hates me for running away, but I'm certain that she still loves me. Hindi lang talaga ako sigurado kung anong nararamdaman niya ngayong hindi pa rin ako umuuwi. At hindi rin ako sigurado kung ipagpapasalamat ko bang hindi ako hinanap at inuwi ng mga magulang ko sa mansion noong holidays o masasaktan at madidismaya dahil pinapatunayan lang no'n na wala silang pakialam sa'kin.

Honestly, I didn't grow up getting excited for Christmas or New Year. Hindi katulad ng ibang bata na nakakatanggap ng mga regalo at ginugugol ang buong panahon ng mga araw na iyon kasama ang pamilya nila, hindi gano'n sa parte ko. I grew up in a household where we will spend Christmas and New Year eating dinner, watching some fireworks—if they can spare some of their busy time during holidays—and after that, we'll be in bed and sleeping. I thought that was normal—or maybe it was because that was my family's normal—but when I saw how our house helps celebrated Christmas eve and New Year, it starts to confuse me if I should be enjoying the holidays or if it's supposed to be just like the other normal days. Nothing special.

When I spent the holidays with Dax's family, I realized how much I had missed. Because the real joy and fun of Christmas and New Year are what I had felt with them. Not when I was in my own home.

"Anong theme ng graduation ball? Hindi na raw gowns and tuxes, ah?"

Nag-angat ako ng tingin mula sa pag-aayos ko ng gamit sa bag nang magsalita si Allison sa unahan. Kinakausap niya ang iba naming kaklase tungkol sa nalalapit na graduation ball. My heart leap with the thought of our upcoming graduation. Sobrang bilis ng panahon dahil isang buwan mula ngayon ay makakatapos na rin ako sa wakas.

Ibinalik ko ang tingin sa aking bag. I just don't know if my parents will show up. Halos anim na buwan na ang nakakaraan nang umalis ako sa bahay at isang beses pa lang rin nag-krus ang landas namin. Kahit naiinis at nagtatampo ako, may parte sa'kin na gusto kong sila ang kasama ko sa graduation rites. Pero ano nga rin bang saysay nang pagtayo nila sa'king tabi kung hindi naman sapat sa kanila ang karangalang makukuha ko?

Hindi pa man din tapos ang computation of grades at hanggang ngayon ay may mga final requirements pa kaming hinahabol, nakakasigurado na akong hindi ako magiging Suma Cum Laude. My previous GWA won't make it happen.

"Costume theme raw."

Bumalik ako sa realidad nang marinig na sumagot ang isa naming kaklase.

"Tanga, alam kong costume ang isusuot. Ang ibig kong sabihin ay anong theme. Kunwari Disney, gano'n."

Tinignan ko si Allison sa harapan na hindi naman tunog naiinis ang boses at ekspresyon pero hindi ko pa rin gusto ang mga lumalabas sa bibig niya. Sa loob ng halos isang taon na seatmate kami ay hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyong tiisin. I never thought that I could actually tolerate another version of Dax in my life. I hate to admit it but we're somewhat closer now than the previous years. Pero tingin ko ay hanggang graduation na lang iyon dahil hindi ko na rin naman siya makikita pagkatapos.

"Bobo ka rin." Balik ng kaklase namin.

Tumawa si Allison. "Nagagalit? Nagtatanong lang, eh. 'Tsaka wala naman akong sinabi na bobo ka, ah!"

Wild Series #6: Twisted by WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon