#TBW12

807 39 4
                                    

Entry 12

"Dad," lumabas sa bibig ko at mabilis na naglakad palapit sa kaniya.

I saw him eyeing the person behind me— Dax. Mas lalong tumindi ang kalabog sa aking puso at ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko.

What is he doing here? Kinausap niya na naman ba ang president ng University? Or this is his plan since yesterday? O...

Sinumbong ba ako ni kuya Joey? No. Hindi niya iyon magagawa sa'kin.

"Get in." Utos ni Daddy na agad kong sinunod at pumasok sa loob ng sasakyan.

Sumunod si Daddy at hindi na ako nagtangkang lumingon pa upang makita si Dax, my father will notice it kaya naman pasimple akong tumingin sa rearview mirror at nakita si Dax na nanatiling nakatayo sa kung saan ko siya iniwan.

Kinurot ko ang aking mga daliri dahil hindi ko alam kung anong sasabihin kay Daddy. He's not talking but I'm sure that he's assuming something already.

Pinagsalikop ko ang aking mga daliri upang pigilan ang sarili na masaktan pa ang aking kamay. My mom won't like it if she saw my fingers bleeding. Dadagdagan ko lang ang problema ko.

But am I really the problem?

Am I the one who has to always think that I'm the one who's wrong?

Paano kung hindi ako? Paano kung sabihin kong nagsisimula na akong isipin na hindi naman ako ang problema? Na hindi ko kasalanan na lumaki akong ganito?

What if I'm starting to blame my parents now? That it's their fault why I grew up like this. It's their fault why I always feel bad about myself. It's their fault why my life's miserable. Everything is their fault.

Tinanggal ko ang tingin sa harapan at lumingon sa gilid ko. Kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob, ng tapang para harapin ang mga magulang ko at sabihin sa kanila na gusto kong magkaroon ng sariling buhay? Na gusto kong kontrolin ang buhay ko. Kailan ko magagawang tumayo para sa sarili ko? Hindi iyong lagi na lang dinidiktahan ang mga ginagawa at kilos ko.

Pumasok ang sasakyan sa malaking gate namin at tinahak ang daan patungo sa mansion. Pinagbuksan kami ng bodyguards at sabay kaming lumabas. Nauna siyang maglakad sa hagdan at tahimik akong sumunod.

He didn't talk to me inside the car but I have a feeling na sa loob niya ako kakausapin. Humigpit ang pagkakakuyom ko sa'king mga kamao at pinilit na pakalmahin ang nagwawala kong puso dahil sa pinaghalong kaba at takot.

"What happened?" Bungad ni Mommy nang makapasok kami sa loob.

Agad na umalis ang kasambahay na pinapagalitan ni Mommy nang pumasok kami at naiwan kaming tatlo sa living room. I remained standing behind my father's back dahil alam kong sa oras na magtama ang mga mata namin ay wala akong kawala. Para akong magiging aso na sunod-sunuran sa kanila sa tuwing nagagalit. They are more like my owners than my parents.

"The talk didn't go well? Ano ba daw ang gusto? Goodness. They really think highly of themselves, aren't they? They are running a state university and not some private schools to demand bigger gifts."

Hindi sumagot si Daddy sa lintaniya ni Mommy. Kumunot ang aking noo sa narinig mula sa magulang. She just confirmed my theory. Naroon si Daddy dahil kinausap na naman niya ang president ng University. I know he always do that since I was first year because he wants to make sure my spot for Latin Honors when I graduate. Pero hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na ang liit-liit ng tingin nila sa'kin para pagdudahan ang kakayahan kong makapasok sa honor list.

"What does he wants? A sedan car? Tell him we'll give him that. Makasigurado lang tayo na si Tri ang makakakuha ng pinakamataas na GPA."

And they talk as if I'm not here. Na para bang ayos lang na marinig ko ang mga iyon mula sa kanila. Na para bang pinapamukha nila sa'kin na kailangan ko pang magpasalamat dahil gumagawa sila ng paraan para makapasok pa rin ako sa honor list.

Wild Series #6: Twisted by WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon