#TBW30

991 36 3
                                    

Entry 30

I love Dax. I still do. Really.

Pero sa loob ng halos isang araw na pagtigil sa hacienda ay natanto kong ngayon lang nakapahinga ang utak ko. I tried not thinking about him—about our relationship, and I think I was successful on that part. Funny, because I used to think that this house was a prison for me. Pero ngayon, mas naging payapa ang isip ko dahil malayo ako kay Dax.

And now that I'm thinking it, I feel guilty for being comfortable without him. For the first time in almost eight years.

"Tri, anak,"

Nilingon ko si nanay at naabutan siyang bumababa ng hagdanan. Kanina pa ako nagpaalam sa kanila na babalik na 'kong Maynila ngunit nawili ako sa panonood sa mga trabahador namin sa orchards kaya naman dapit hapon na nang tuluyan akong magpasyang aalis na.

"'nay," I called back.

I scrutinized her face and my eyebrows creased with the expression she's giving me. Hindi ko alam kung dahil ba tumatanda na siya kaya nagiging madalang ang pagngiti niya o dahil may kinalaman iyon sa kinewento ko sa kaniya kagabi.

Kahit malapit na ako ngayon kay Mommy, si nanay pa rin ang mas nakakakilala sa'kin. Kaya naman nang marinig niya sa'kin ang balita na hindi maayos ang estado ng relasyon namin ni Dax, alam kong naintindihan niya ako.

"Piliin mo ang pangarap mo." She uttered and caressed my cheek.

Naestatwa ako sa'king kinatatayuan at napatitig sa kaniyang mukha. I'll be lying if I don't say that nanay knows me more than I know myself. She saw me grow up. She heard my voice and she was the only to listen to my words. Sinaulo niya ang mga paborito ko at ang mga bagay na ayaw ko. Siya ang unang nakakilala sa tunay na ako. Kilalang-kilala niya ako higit pa sa pagkakakilala sa'kin ni Dax.

Hinintay ko na dagdagan niya ang kaniyang sinabi ngunit malungkot niya lamang akong nginitian. Alam kong ayaw niyang mandohan ako sa kung ano man ang magiging desisyon ko. Ang pangarap na tinutukoy niya ay hindi malinaw at masyadong malawak... pero ang totoo ay alam ko ang nais niyang iparating—alam ko kung ano ang aking pangarap.

Yes, I do dream of a forever with Dax. I do dream of marrying him someday. I do dream of building a family with him. I have dreams with him. I want a happy ending with him.

Pero anong gagawin ko kung mayroon akong ibang pangarap na mas importante kaysa sa pangarap na mayroon ako para sa'ming dalawa?

"I'll go now, 'nay." Tanging lumabas sa bibig ko at tipid na binalik ang ngiti niya.

I climbed inside my car and without forethought, I drove off. I glanced in my rear-view mirror and saw nanay remains standing in the same spot I left her.

The truth is... I don't want to leave yet.

Kinurap ko ang mga nagbabadyang luha at tinuon ang buong atensiyon sa dumidilim ng daan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa binubuhay ang aking cellphone at hindi ako nakakasigurado kung nasa condo si Dax.

I'm going home. Right? Dax is my home. He's my home.

I gritted my teeth and aggressively wiped the tears away. Nagtataas baba ang aking dibdib at pilit akong naghahabol ng hangin. I rolled down the windows on my left and I tried inhaling the air but my chest is still heavy.

Damn.

Why do I have to experience this? Why do I have to choose between my dreams?

Naipit ako sa traffic at hindi ko na napigilang lumandas ang aking mga luha. Sinapo ko ang aking palad sa'king noo at inikot ang paningin sa paligid ko. I'm alone in spite that I'm surrounded with these cars. Will I also feel alone when I chose my other dream? What will happen to me when he's no longer part of me?

Wild Series #6: Twisted by WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon