Entry 35
The glowing haze light from a morning sun carpeted the small cemented floor, the hush blow of the wind from the trees around give chills to every human body it kissed, and the mud pathway on the sidewalks is drier now it's nearing summer. Ang mga tanim ay hindi pa handang maani dahil hanggang ngayon ay bumabawi pa rin ang mga magsasaka sa naperwisyo nilang pananim nang bumagyo noong isang buwan.
It's weird to grieve over non-living things, but it's devastating to think how everything they put an effort and time creating ended up putting into waste. Sa loob ng tatlong taong paninirahan ko rito sa San Fernando, naging malapit ako sa mga tao at nasaksihan ko kung gaano nila pinaghihirapan ang mga bawat gulay na tinatanim nila. Madalas pa ay ang mga kanilang kinikita sa pag-aani ay hindi sapat upang mabuhay ang buo nilang pamilya. Ang ilang buwan nilang hinintay na maani upang makabili lamang ng pagkain na tumatagal ng ilang linggo.
Minsan dumadako sa isip ko kung bakit hindi patas ang mundo—bakit mayroong mga taong nakakaangat at mga taong nasa laylayan. Bakit kailangang may mga taong magdusa at mga taong magdiwang. Bakit hindi na lamang maging patas ang mundo para sa lahat?
But I am no God and I don't have any explanation why this life is unfair—why this world is an aery for greedy evils and a hell for people who has no way around but only to survive.
"Ma'am, ayos na po ba kayo rito? Hindi na ho kasi makakaahon ang tricycle ko sa itaas."
Inalis ko ang atensiyon sa labas at sinilip si manong driver sa motor. Ala sais pa lang ng umaga ngunit mataas na agad ang sikat ng araw dahil malapit na ang summer season. Ang bayan ng San Fernando ay isang maliit na bayan lamang na may kakaunti ring populasyon. Ang pangunahing pangkabuhayan sa lugar na ito ay pagsasaka at pangingisda sa malayong dagat mula rito. Iilan lamang din ang mga pampasaherong sasakyan dito at ang madalas na transportasyon ay tricycle at iisang jeep na bumabyahe lamang isang beses sa isang araw.
"Ayos na po ako rito, tatang. Thirty minutes lang naman ang lalakarin ko na." Sabi ko at lumabas ng tricycle bago inabot sa kaniya ang bayad.
"Ay nako, Ma'am, huwag na!" Mabilis niyang winagayway ang kaniyang kamay at umiling. "Maliit na bagay lamang na ihatid kayo kumpara sa ginagawa n'yong sakripisyo para sa mga bata."
Napangiti ako. There are days when I believe there are reasons why there are people like him in this world—it is to keep the balance of good and evil dahil kung sino pa iyong mga taong walang-wala ay sila pa itong mga handang tumulong nang walang kapalit. I grew up with a silver spoon, lived in a gated mansion, and was an heir to one of the biggest companies in the country. I know I will never understand how hard is it for them to live like this, but I'm thankful that I got the chance to meet people like them in my life. Dahil sila ang nagbukas sa mga mata ko na kahit gaano kapangit ang realidad na kinalakihan ko, may maganda pa ring parte ang mundong ito. People like him are the beauty in this world where every evil is disguised by wealth and hypocrisy.
"Trabaho ko po na turuan ang inyong mga bata at trabaho n'yo ang magmaneho ng tricycle kaya," I widened my smile and forced the money on his palm, "kailangan n'yong tanggapin ang bayad ng pasahero ninyo."
Bumagsak ang balikat ni tatang at tinanggap ang pagkatalo niya sa'kin. Natawa ako. He reminds me so much of nanay.
"At maraming salamat ho dahil napakabuti ng puso ninyo para hindi ako pagbayarin." Huli kong sabi bago ako tuluyang nagpatuloy sa paglalakad.
Ang suot kong bota ay lumubog sa putik matapos kong maglakad ng kaunti sa konkretong kalsada. Nang makarating ako rito sa San Fernando tatlong taon na ang nakakalipas, hindi ako nagreklamo na ganito ang lugar nila. I grew up in a province too, but the land here is more cultivated than Cavite. Kahit mainit ang panahon ay mayroon pa ring iilang parte—katulad ng dinadaanan ko ngayon—na maputik at kailangan magbota kung ayaw mong marumihan.
BINABASA MO ANG
Wild Series #6: Twisted by Wild
RomanceGrowing up, Trishastrea Yael Delavin has to always personify the proper etiquette her parents instill in her. She lived on their terms and fulfill all their orders. The people in their town pictured her as a perfect model of what a lady should be in...