Entry 02
"How did you know him?" I asked her after a while of thinking how she knew him.
Binalingan ako ni Nanay habang inaayos niya ang mga gamit ko sa'king desk. Ngumiti siya dahilan kung bakit naging mas malinaw ang mga kulubot niya sa mukha. But she's really pretty when she smiles.
"Ang anak ng principal sa bayan?"
Tinitigan ko siya. "Hindi ko alam kung anak siya ng principal. But the guy a while ago... si Dax."
Nag-alinlangan pa akong banggitin ang pangalan niya dahil hindi naman madalas naririnig ni Nanay na nagbabanggit ako ng mga pangalan. Like I said, I have no other friends than her.
"Nakikita ko lang ang batang iyon madalas dito tuwing sabado o linggo. Siya 'ata ang inuutusan ng nanay niya na kumuha ng mga paninda nila sa palengke. Lagi ko ngang nakakalimutan ang pangalan. Dax pala pangalan no'n. Magkaibigan ba kayo?"
Mabilis akong umiling bilang sagot. Kumunot ang noo niya.
"Kung gano'n, ba't alam mo ang pangalan niya?"
"Kinausap niya ako sa Prom. He said his name." I shrugged nonchalantly.
"Mabait ang batang iyon. Maraming nagkakagustong mga tauhan natin sa batang iyon."
"Maybe because they find him handsome."
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa'king kama at dumiretso sa dresser at naghanap ng damit pamalit.
"Guwapo naman talaga. Kamukhang-kamukha ng lolo niya noong kabataan."
My hand stop in the air and looked at her over my shoulder.
"Buhay pa ang lolo niya?" Kuryuso kong tanong.
"Matagal nang pumanaw."
"And, how did you know Dax?" Ulit ko sa tanong ko kanina.
"Maliit lang naman ang bayang ito, anak, at halos lahat ay magkakamag-anak. Ang tatay niya ay kapitan sa dati kong barangay, ang nanay ay principal. Mabait ang pamilyang iyon."
Ibinalik ko ang tingin sa loob ng dresser at kinuha ang kulay yellow na dress. How can people be famous yet normal? Paano niya nagagawang kumuha ng mga paninda nila sa palengke gayong anak siya ng isang Kapitan at Principal?
"Ang alam ko ay may bunso 'yang kapatid na babae. Kaso suplada daw at bratinela pero 'di naman ako naniniwala dahil hindi ko pa nakikita. Isip ko'y baka katulad lang ng alaga ko na laging nasasabihan ng mga maling paghuhusga."
I smiled at what she said. Her words, the way she sees him, maybe it's enough already.
Sa mga sumunod na araw ay lumalabas ako ng hacienda sa tuwing alam ko ay late uuwi sina Mommy. I went again to the kids and brought new materials. Binigyan ko rin sila ng mga pagkain na tingin ko ay magtatagal ng ilang araw. Ngunit iyon ang huli kong kita sa kanila. Tatlong araw ko lamang silang nabisita at para sa'kin ay hindi iyon sapat pero wala akong magagawa.
If I could just spend more time with them... I sighed.
"Huwag kang mali-late. At, Medici," Mom called Nanay to give her some instructions.
Ngayong araw gaganapin ang Liga sa Plaza na dadaluhan ng iba't-ibang barangay sa'ming Munisipalidad. Hindi makakadalo ang aking mga magulang kaya kailangan kong makita sa event na iyon. On behalf of my very good parents who sponsored that league, I have no choice but to nod at their biddings.
"Make sure na maayos ang damit niya at sapatos. Dapat malinis ang pagkaka-ponytail sa buhok ng anak ko. Liga ang pupuntahan niya at hindi party."
Then, she looked at me.
BINABASA MO ANG
Wild Series #6: Twisted by Wild
RomanceGrowing up, Trishastrea Yael Delavin has to always personify the proper etiquette her parents instill in her. She lived on their terms and fulfill all their orders. The people in their town pictured her as a perfect model of what a lady should be in...
