Entry 29
A month has passed and we're fine.
But who would believe in my lies?
I know our relationship isn't ideal and we're not perfect, but we're not exactly doing better either.
Sa loob ng apat na linggong nagdaan, walang araw na hindi ako nagseselos sa tuwing nakikita ko siyang kumakausap ng ibang babaeng katrabaho niya. Kahit nang bisitahin ko siya noong isang araw sa ospital at naabutan kong may pasyente siyang dalagang babae ay ginawa ko iyong malaking isyu dahilan para matulog siya sa living room at hanggang ngayon ay hindi kami nagpapansinan.
I wished for us to get better, but we're only worsening. At kahit gusto kong ibuntong ang lahat ng sisi sa aking sarili, hindi ko mapigilan na mainis pa rin kay Dax—because at the back of my head, I wanted him to be always here with me. Gusto kong lagi niyang iparamdam sa'kin na ako ang tama. That's what he used to do and tell me. But lately, he's changed.
Kung noon ay wala siyang sinasabi sa tuwing nagseselos ako at naiinis, ngayon ay parang binabalik niya na sa'kin ang mga ginagawa ko. Kapag hindi ko siya pinapansin, hindi niya na rin ako papansinin. I know we sounds like kids pero iyon ang sitwasyon namin ngayon.
Nang hindi ko siya kausapin ay hindi niya na rin ako kinakausap. The rational part of my brain says that he's doing it so I can reflect on my actions— that he's only reciprocating my actions because he's trying to made me feel how he actually feels when I do those things to him. And maybe, it's working. Dahil nasasaktan ako kapag iniiwasan niya ako. Pero bukod sa sakit, mas nangingibabaw ang inis ko para sa kaniya. May bumubulong sa utak ko na nagsasabing hindi niya na ako mahal, na napagod na siya sa ugali ko, at darating ang panahon na hindi ko namamalayang wala na siya sa buhay ko.
It's strange because I'm supposed to feel scared by those thoughts but instead, I feel betrayed.
I'm selfish. That, I know.
But the thing about selfish people, they don't like fixing themselves. Perhaps, I'm that people.
"Trishastrea Yael Delavin po?"
I nodded at the delivery guy. Nang buksan ko ang pintuan ng condo unit upang magtapon ng basura ay bumungad sa'kin ang lalaking naka-uniporme ng kilalang shipping line. Nilahad niya sa'kin ang clip board niya at pinapirmahan bago inabot sa'kin ang isang may kalakihang kahon.
"You can just put it here." Tinuro ko ang kinatatayuan ko at doon niya nilapag ang kahon.
Pagkatapos naman niyang maibigay ang kahon sa akin ay agad din itong umalis. And I'm left with curiosity. I didn't order anything.
I shut the door closed and carried the box with all my strength to the living room. It's heavy and I have no idea what this might be. Hindi naman siguro ito bomba, ano?
Pumasok ako ng kusina upang kumuha ng cutter bago bumalik sa salas at umupo sa sahig. I cut open the box. Tinanggal ko ang mga crumpled paper sa itaas at nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa'kin ang nasa sampu sigurong mga bagong libro.
My mouth dropped opened and I already know who this came from. I told Dax about these special edition books last December. Sinabi niya sa'kin na iyon sana ang ireregalo niya sa'kin noong Pasko pero na-sold out ang mga ito.
We've been ignoring each other for almost three days now and I'm certain this is his way of asking for forgiveness.
I feel guilty. Funny, right? Selfish people don't feel guilty, but I do.
I hate how he's trying to give me the taste of my own medicine, but I don't think I like us this way—pretending as if we still have a chance of saving this sinking ship.
BINABASA MO ANG
Wild Series #6: Twisted by Wild
RomanceGrowing up, Trishastrea Yael Delavin has to always personify the proper etiquette her parents instill in her. She lived on their terms and fulfill all their orders. The people in their town pictured her as a perfect model of what a lady should be in...