Prologue

135 6 0
                                    


Badass Duology:

#1: He's My Badass Guy

#2: She's My Badass Girl

*****

Nally

Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko habang nakatitig sa dalawang kabaong nang unti-unti na itong pumailalim sa lupa. Kahit anong pagpahid ko, hindi parin tumitigil ang mga luha ko. P*steng luha to hindi titigil!

Nakatulala lang ako at manhid na rin ang katawan ko kaya hindi na ako nakaramdam nang kahit anong emosyon. My face remained stoic as the coffin finally went down. Maraming nagsilapit at nagtapon ng mga bulaklak habang ako hindi kumilos.

Maya-maya pa'y, naramdaman kong may umakbay sakin. "You okay?" Boses yun ng pinsan kong si Zares.

Hindi ako kumibo o kumilos kaya narinig ko ang buntong hininga niya.

Ayoko din namang mag-alala sila sakinㅡlalo na si Zares dahil tatlong buwan pa ang nakalipas simula nung mamatay ang kaisa-isang babaeng minahal niya na si Ailee.

"Nally.. we're always here for you. Ilabas mo lang yan, naiintindihan ka namin." Rinig kong sabi ni Titaㅡang mommy ni Zares na kapatid ni mommy.

"Bakit ganun? Bakit kailangan pang silang dalawa ang kunin sakin?" Mahinang sabi ko. Wala na sila.. wala na ang dalawang taong naging dahilan kung bakit ako masaya sa araw-araw pero ngayong wala na sila, hindi ko alam kung makakaya ko pa bang bumangon at sumaya.

Naalala ko pa ang sinabi ni mommy kanina bago siya malagutan ng hininga. "Anak.. patawarin mo kami dahil hindi ka na namin maaalagaan at makakasama hanggang sa maabot mo ang mga pangarap mo. Anak, ipagpatuloy mo ang buhay mo ha? Kahit wala na kami ng daddy mo, babantayan ka parin namin. Anak, abutin mo ang pangarap mo.. at wag kang iiyak ng masaydo, wag mo ring pabayaan ang sarili mo. Ayaw naming magkasakit ka, wala pa naman kami. Anak, mahal na m-mahal ka namin ng daddy mo. P-Paalam.." hanggang sa tuluyan na silang nawalan ng buhay.

"Nally, ganyan talaga ang buhay. Hindi natin alam kung kailan tayo mawawalan ng mahal sa buhay kaya hanggat maaari, iparamdam natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal bago pa mahuli ang lahat." Hinaplos-haplos pa ni Tita ang balikat ko. "Nally, wag kang mag-alala andito pa naman kami ng tito at pinsan mo, hindi ka namin pababayaan. Dun ka na sa bahay tumira, hmm?" Tumango nalang ako bilang tugon.

"Insan, hindi ka namin pababayaan." Napangiti ako ng tipid sa sinasabi ni Zares. Siya lang ang nag-iisa kong pinsan kaya close kaming dalawa. Wala rin akong kapatid.

Mom, Dad.. I promise to you, pagbabayarin ko ang may gawa sa inyo nito. Masakit sa akin na nawala kayo lalo na't hindi natin nakamit ang hustisya kaya gagawin ko ang lahat, mapabayad lang sila sa ginawa nila. Sana maging masaya kayo at lagi niyo akong babantayan. Mahal na mahal ko po kayong dalawa..

Umalis na ang mga tao at kami nalang ang naiwan. Pinahid ko din ang luha ko sa pisngi at hinarap si tita. "Tara na po." Sabi ko.

"Sigurado ka?" Alalang tanong ni tita. Nginitian ko siya at tinanguan. "Okay, sige."

Umalis na kami at sumakay ng kotse. "Hindi ba nakikilala kong sino ang pumatay sa kanila, insan?" Tanong ni Zares nang makasakay kami.

Tumagis ang bagang ko. "Hindi namin alam. Pero hahanapin ko sila. Hindi ako makakapayag na hindi nila mabayaran ang ginawa nila. Hindi ako makakapayag na magsasaya lang sila samantalang ako naghihirap." Tumalim ang tingin ko.

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon