Chapter 06
Nally
"Tomorrow, you will go to Palawan. Detective Dwight told me na may nakapagreport daw sa kanya na andun daw ang hinihinalang salarin. Kaya naman bukas pupunta tayo agad." Sabi ni Sir Abel. "Lahat ng team ay pupunta dun. May maiiwan na kaunti para kapag naagrabiyado ay may pangback-up agad. Dismiss!" Nagsitayuan kaming lahat. Lalabas na sana ako ng tawagin ako ni Sir. "Nally, maiwan ka. May sasabihin ako sayo."
Kaya naman nagpaiwan ako. Nang makalabas na lahat ay may kinuha si Sir Abel sa drawer niya. Inilapag niya ang isang supot na may laman.
"Ano po to, Sir?"
"That's your mom's property." Aniya. Natigilan ako.
"P-Po?" Hinalungkat ni Sir at inilabas ang laman. May nakita kaming notepad doon o diary note. Maliit lang siya na kulay lilac. Hindi ko alam na may ganito palang gamit si mommy. "Saan po ito galing?"
"Hindi sinabi kung kanino galing pero sa tingin ko kakilala siya ng mga magulang mo." Kinuha ko iyon at binuklat. "Nabasa ko na ang laman niyan. Nakasulat jan ang lahat ng pangyayari sa mga misyon nila ng daddy mo."
Tama nga si sir dahil may mga nabasa akong misyon nila mula pa sa ibang bansa hanggang dito sa Pilipinas. May mga date ding nakalagay. Ang iba, matagal ng nangyari at meron ring bago pa.
"You see, may mga nakikita kang check. Ang ibig sabihin niyan ay ang misyon na nilagyan ng check, magtagumpay nilang natapos yan." Patuloy pa ni Sir. Napatango-tango din ako dahil lahat nga ng nandun ay may check na sa gilid nito.
Marami-rami rin ang nabuklat ko. So, ibig sabihin, marami-rami rin ang naging misyon nila dad noon.
Buklat lang ako ng buklat hanggang sa mapunta ako sa pinakagitna. Nangunot ang noo ko ng may nakita akong walang check. Sa pinakalast na misyon nilang sinulat, walang check na nakalagay. So ibig sabihin, hindi nila to natapos.
Napaangat ang tingin ko kay Sir. Siguro nahalata niya ang pagtataka ko kaya siya na mismo ang kusang nagsalita.
"Ganyan din ang reaksyon ko nung unang mabasa ko yan. Pero ngayon, alam ko na." May kinuha siya sa supot at bumungad sakin ang isang picture. "Tama ka ng iniisip. Hindi nila natapos ang misyon na yan dahil sa misyon na yan sila namatay nang may sumabotahe sa plano nila." Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig.
May sumabotahe sa plano nila?
Nanginginig na kinuha ko yung picture. "A-Ano pong ibig sabihin nito?" Tukoy ko sa picture. Ang nasa picture kasi ay kuha ng isang kamay na naka-zoom in kaya klarong-klaro ang tattoong isang bulaklak na nakakalasok na nandun.
Belladonna.
Bumuntong-hininga si Sir Abel. "Ang nakapatay sa mga magulang mo ay ang kamay na yan. Alam mo namang may high-tech ballpen ang mommy mo na may kayang maka-capture kapag may pinindot dun. And I guess, sa kalagitnaan ng misyon nila ay nagawa niyang picturan ang kamay ng isang kalaban dahil alam nilang yun lang ang paraan para makilala sila." Naintindihan ko na. "Buti nalang, medyo tanga din ang naging kalaban nila dahil hindi nila alam ang tungkol sa ballpen at diary ng mommy mo kaya kahit papaano ay naiuwi parin ang gamit niya."
Naramdaman kong namumuo ang luha sa mga mata ko. "I'll find him!" Malamig na sabi ko. Desidido akong matagpuan ang pumatay sa mga magulang ko kaya ngayong nakakita na ako ang clue ay sisiguraduhin kong mahahanap ko silang lahat.
"Naiintindihan kita. Pero Nally, sana wag kang magpadalos-dalos. Alam mong hindi maganda ang kalalabasan kapag nagpadala tayo sa emosyon natin. Hindi tayo mga kriminal o mamamatay-tao kaya kontrolin mo sana ang sarili mo." Paalala ni Sir.
BINABASA MO ANG
She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2
Action[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #2 Thanalia Alvino also known as "Nally '' is part of an organization. She joined an organization to help other peopleㅡmore like weak people who cannot defend themselves if ever they encounter bad peopleㅡbut that'...