29

17 3 0
                                    

Chapter 29

Teri

Umigting ang panga ko habang nakatitig kay Arwyn na nakangisi sa akin. Oo, nalaman ko na ang pangalan niya dahil tinawag siya ng kamukha ni dadㅡsi Remel. "Masaya akong makita kang muli, pinsan." Aniya.

"Tangina mo! Wala akong pinsang traydor at mamamatay-tao, gago!" Tinraydor niya si Thana! Tatay niya ang pumatay sa mga magulang ni Thana!

"I'll take that as a compliment. By the way, feel free at home." Feel free at home your ass!  Kung hindi lang ako nakagapos, baka sinipa ko na ang lalamunan ng hayop na'to.

"Tss." Nanghihina pa ang katawan ko mula sa pagbugbog nila sa akin sa bahay. Nung sumugod sila sa bahay ay binubugbog nila akong lahat pwera kay Remel. Kung hindi lang dahil sa pamilya ko, lalabanan ko sila pero wala akong kalaban-laban kanina lalo pa't nakatutok kina Ate Treya at Mommy ang mga baril nila, wala rin si daddy. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nalaman nila kung saan kami nakatira.

Nakapikit akong niyuko ang ulo ko. Marami akong pasa dahil ramdam ko ang hapdi at sakit sa bawat parte ng katawan ko.

"Baby!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Hindi ko magawang mag-angat ng ulo dahil nanghihina ang katawan ko. Pero kahit na ganun ay kilalang-kilala ko ang boses niya na mas lalong nakapagpakulo ng dugo ko. Angela... "Oh, hey, Teri!"

"Babe! You're flirting with him?" Halos mandiri ako sa pagtatampo ng boses ni Arwyn. Magkakilala sila?

"Why jealous, babe? Our plan worked, right?" Tanong nito kaya napatango-tango ako na parang may na-realize.

Magkasabwat sila, kaya lumalapit sa akin ulit si Angela para ma-distract kaming pareho ni Thana at hindi papasok sa isip niya na may traydor na pala sa kasamahan niya.

"Yeah, and I love you for that!" Grabe nang pagkkuyom ng kamao ko sa sobrang gigil na mahila silang dalawa at bugbogin ng bugbogin hanggang sa malagutan ng hininga.

May tunog pa na naghalikan sila kaya alam kong naghahalikan ang mga walanghiya! Tignan natin kung magiging ganito ba kayo kasaya kapag nabubulok na kayo sa kulungan! Sisiguraduhin kong walang ni isa sa inyo ang makakatakas!

Nally

"Mag-iingat kayo. Nally, maraming salamat sa pagsama sa pagligtas sa anak ko. Mag-iingat kayo, please." Umiiyak na usal ni Titaㅡmommy ni Teri.

Napalunok ako. "Wag po kayong mag-alala. Gagawin ko po ang makakaya ko upang mailigtas ang anak niyo." This is the least I can do to atleast lessen the conscience about what I did to her husband. At para Ron kay Teri.

"Tara na. Alam ko na kung nasaan sila." Sabat ni Uncle George. Andito din siya. He learned what happened at agad ding tumawag sa daddy ni Teri at magkakilala pala sila.

"Hon, aalis na kami. Lock all the doors. Papunta na dito ang mga pulis para magbantay sa inyo." Tito kissed Tita and I looked away.

"Mag-iingat kayo. Utang na loob, mag-iingat kayo." Nagpaalam pa kami sa huling pagkakataon bago sumakay sa sasakyan. Nakisakay lang ako kay Uncle George at si Tito lang mag-isa sa kanya. Tinawagan ko din si Sir Abel at pinaalam ang nangyari at ang gagawin namin kaya dadaanan namin sila.

"Where's Dwight?" Tanong agad ni sir Abel.

Nangunot ang noo ko. "I  thought he's here? Hindi kami nagkontak ng ilang araw." Sagot ko.

"Hindi na siya bumabalik rito mula nung nakalabas ka sa ospital." Ani sir Abel kaya nagtaka ako. "Hayaan mo na, baka may ginagawa lang."

Wala na kaming sinayang pa na oras at agad kaming umalis. Ang sinabi ni Uncle George na lokasyon kung saan dinala si Teri ni Remel Teroño ay malayo-layo at magubat ang dadaanan.

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon