3

41 5 0
                                    

Chapter 03

Teri

Andito na ako sa school na Jether kasi nga ako ang susundo sa kanya ngayon. Habang naghihintay, nanood muna ako ng mga funny videos sa YouTube.

"Hello, pogi.." Napaangat ako ng tingin dahil dun. At nakita ko ang isang babaeng naka maid outfit na todo pa-cute sakin. Hambalusin ko kaya mukha nito? "Are you alone?"

"May nakita ka bang may kasama ako?" Umiling siya. "Yun naman pala eh! Umalis ka nga sa harapan ko, naalibadbaran ako sa pagmumukha mo!" Deretsong asik ko at halatang nasaktan siya sa sinabi ko. Rude na kung rude pero hindi ko talaga gusto ang pinanggagawa niya eh. Tss! Mga babae nga naman..

"Titooo!" Rinig kong sigaw ni Jether kaya agad ko siyang hinanap. "Tito, I'm here." Nang makita ko siya, agad niya akong nilapitan at niyakap. "I miss you po.."

Hinalikan ko siya sa pisngi. "You miss my handsome face, right baby?"

"Yes po, sobrang gwapo niyo po kasi like daddy." Natawa ako.

"Pero mas gwapo si tito mo diba?" Agad naman siyang tumango-tango. Balimbing talaga tong pamangkin ko. Lahat ng nagtatanong ng ganyan sa kanya agad niyang tinatanguan. "Let's go na."

"Why are you here po, tito? Diba si mommy and daddy palagi nagsusundo sakin?"

"They're busy, baby. Kaya ang gwapo mong tito ang sumundo sayo. Ayos lang naman sakin dahil maganda naman ang baby ko at mahal ko." Sabi ko na ikinagigil niya.

"Kayo din po. Gwapo kayo at mahal ko din po kayo." Kinarga ko siya saka tumango na sana sa kotse namin ng may narinig akong mga sigaw ng mga bata.

Dahil curious ako, lumapit ako sa gawing yun at nakita ang ikinabahala ko na buti nalang din hindi nakita ni Jether. Agad akong lumapit sa kotse ko at ipinasok si Jether dun.

"Jether, listen, stay here okay? Don't go outside. I'll be right back, hmm?"

"Yes po, tito."

"That's my girl." Sinarado ko ang pinto ng kotse at binalikan yung gawi na may sumigaw na mga bata.

Naglakad ako papalapit dun. Nakita ko lang naman na may nandukot ng mga bata. Kailan pa ',to ganito? Buti nalang ako ang sumundo kay Jether ngayon.

Sisigaw na sana ako ng may nakauna sakin. "Hoy, bitawan niyo sila!" Yan ang sinigaw ng isang babaeng nakatagilid sa gawi ko. Wait, babae?

Nakita ko rin ang ibang mga tao sa likuran nung babae na may mga dalang armas. Mga pulis ba sila?

Napaigtad pa ako nang may nagpaputok ng baril kaya napabaling ulit ako ng tingin dun sa harap. Nanliit ang mata kong sinuri ng tingin yung babae. Pamilyar kasi ang pigura niya, pati boses niya. Ang angas din ng dating niya.

Dahil sa pagtitig ay di ko namalayang may tao na pala sa likuran ko. Naramdaman ko ang dulo ng baril niya sa tagiliran ko. "Wag mong subukang kumilos."

>_<

Tss. Hindi ako natatakot. Kaya ko naman to patumbahin dahil nga marunong ako sa lahat ng klase ng martial arts. Nagsanay kasi kami kasama ni Ace sa ibang bansa noon.

"Bitawan niyo yang baril niyo kundi sabog ang bungo nito!" Muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil sa biglaang pagsigaw nitong nasa likuran ko.

Napaangat ako ng tingin at nagtama ang tingin naming dalawa. Siya lang naman yung babaeng di-nare sakin ni Damien.

Yung tingin niya parang nagpapahiwatig na wala siyang pakialam kahit pa sumabog ang bungo ko.

Aba, matindi! Ang kapal talaga ng apdo ng babaeng to. Akala naman niya kakailanganin ko ang tulong niya. Tss. Wag na uy!

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon