23

10 3 0
                                    

Chapter 23

Third Person's POV

"Boss, nakatakas ang bihag! Lahat ng mga bantay ay tumba!" Sigaw ng isa sa mga tauhan ni Teroño.

Bitbit ang isang baso na may lamang alak ay tila kalmado lang si Teroño at ngumisi pa ito. "That's good." Aniya na ikinanganga ng mga tauhan niya. Dahil alam kong ang ama ni Teri ang susugurin niya dahil akala niya ang ama ni Teri at ako ay iisa. Napahalalhak ng mala-demonyo si Teroño saka ininom ang alak sa baso. Tingnan natin ang mangyayari sa susunod. Ah! Excited na ako.

Nally

Andito ako sa mall ngayon dahil kinailangan kong bumili ng gamit para sa project namin. Malapit na pala ang undas kaya maraming pang Halloween costume ang nakadisplay.

Mga ilang linggo na rin simula nung madakip ako ni Teroño. Pagkatapos ng insidenteng iyon, tila nagtatampo pa nga si Teri sakin dahil kung bakit daw si Dwight agad ang hinanap ko eh siya yung tumawag sakin.

Tinanong ko din siya kung paano niya nalaman na nakidnap ako, at sinagot niya ako na naiwan sa labas ang susi ng condo unit ko kaya naghinala siya. Hindi naman pala siya ganun kainosente gaya ng iniisip ko. Tsk.

Habang nililibot ko ang mall, may namataan akong kamukha ni Teroño. Hindi pala kamukha dahil siya talaga iyon. Nginisihan at kinawayan pa ako. Nasa second floor ako at nasa ground floor naman siya kaya nang akmang bababa na ako upang sundan siya ay agad siyang nawala sa paningin ko. Shit! Kailangan kong makabalik sa bahay ni Teri!

Nanlumo akong pinagpatuloy ang pamimili. Hanggang sa nakauwi akong condo ay hindi mawala sa isip ko ang pesteng pagmumukha ng hayop na iyon!

Ah! Gusto ko nang matapos ito! Nakakapagod nang habulin ang demonyong iyon! Ang jughouse ay walang update tungkol sa kanya. Nawalan na ng impormasyon ang source namin nang hindi namin nalalaman kung paano.

Since nakapokus muna kami ngayon kay Teroño, wala nang ibang pinagkakaabalahan ang jughouse ngayon. Pwera nalang sa training ng mga bagong recruit na trainees.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala sa loob ng kwarto ko hanggang sa nakatulog ako.

Teri

Yes, birthday ko na bukas! October 23 is my favorite date. Syempre birthday ko eh! And I'm turning 22.

"Anak, bring Nally here tomorrow ha? Teka, alam ba niyang birthday mo bukas?" Mom asked as she preparing the foods for our dinner.

Hindi ko maalala na nabanggit ko kay Thana ang birthday ko kaya paniguradong wala siyang kamalay-malay kung anong ganap bukas. "Hindi po, mom. Hindi ko naman po kasi nabanggit sa kanya eh hehe."

"That's okay, I'm sure magugulat iyon bukas pag nalaman niyang birthday mo pala." Napangiti ako habang naiisip ang magiging reaction ni Thana bukas. "Kaso nga lang hindi siya makahanda ng regalo para sa'yo. But that doesn't matter anyway."

"Yup! Siya na mismo ang regalo ni Lord para sakin. She is enough." I winked at my mom and she giggled.

"I'm so proud of you, son. Binata ka na talaga!" Sumulpot bigla si daddy at inakbayan ako.

"Of course, binatang-binata na po ako." At nagpogi pose pa ako kaya natawa ang mga magulang ko.

"Hay! Namimiss ko yung mga panahong siponin pa kayo. Noong panahong ayaw mo pa magsuot ng brief at baliktad ang tsinelas palagi kapag sinusuot mo." Mom fakely cries.

"Mom! Do you really need to bring that up? Binata na ako, okay? Pwede na ngang mag-asawa eh!" Nagtaas-baba ang kilay ko.

"Yan ang wag muna, Teri. Ang pag-aasawa ay dapat pinag-iisipan yan ng mabuti. Hindi biro ang responsibilidad na kakaharapin ng mag-aasawa. Ipon muna para may magandang buhay, okay?"

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon