16

21 3 0
                                    

Chapter 16

Teri

Kanina pa ako naghihintay sa labas ng bahay ni Thana ngayon dahil gusto ko siyang sunduin. Simula nung nalaman ko ang totoo nung isang araw ay tuwang-tuwa ako at gusto kong sabihin sa kanya na alam ko ng nagsisinungaling siya. Hindi ako ganun sumusuko, Thana. Mairita ka na't lahat hindi kita lulubayan.

Ngunit halos dalawang oras na akong naghihintay ay walang Thana ang lumabas. Lumabas kanina ang pinsan niya at nagulat nga pagkakita sakin saka ako nginisihan. Sinabi rin niyang natutulog pa si Thana. Tsk. Wala ba siyang balak pumasok ngayon?

Malalim akong bumuntong-hininga at kinabig ang manibela papuntang university. Hindi na nga ako nakapasok sa unang subject ko ngayon at buti nalang mamayang pagkatapos ng lunch pa ang kasunod kong subject.

Nang makarating, hindi muna ako pumasok sa gate at ipinarada ang sasakyan sa labas ng university dahil napagpasyahan kong antayin siya dito. Kahit gaano katagal. Oo na! Ako ng inlove, tsk!

Para hindi mabore, nagsoundtrip ako habang sinasabayan din ng pagkanta. Isa't kalahating oras din ang inantay ko bago ko siya naaninag na parang zombie kung lumakad. Walang ekspresyon ang mukaㅡas usual, at ang itsura niya ay parang pumasok lang siya dahil wala siyang choice.

Hindi ko muna siya tinawag at nakita kong pumasok na siyang gate saka ko pabagal na pinausad ang kotse pasunod sa kanya. Saglit kong pinarada ang sasakyan sa parking lot dahil nakita kong doon din siya papunta.

Pagkatapos, bumaba ako at tinawag siya. "Thana! Bakit ngayon ka lang?" Kunot-noong nilingon niya ako at binigyan ng malamig na tingin. "Kanina pa kita hinihintay."

Napapikit siya ng mariin para bang malapit na siyang maubusan ng pasensya. Ngumisi ako. "Bakit, may kailangan ka?" Lumaki ang ngisi ko dahil alam kong gusto na niya ako ibalibag dahil sa lalim ng buntong-hininga niya pero nagawa niya paring kalmahan ang boses niya.

"Alam ko ng nagsisinungaling ka." Simula ko. Ngumuso ako. "I figured out that you really don't have a boyfriend." Ramdam kong natigilan siya. "Bakit ka nagsinungaling?"

"Oh eh ano naman ngayon sa'yo?"

Tiningnan ko siya ng mataman. Matagal ang titig ko kaya nailang siya. She's so beautiful. Kahit pa hindi siya nagkokolorete sa mukha, sobrang ganda niya. Magsasalita na sana ako ng biglang nanlaki ang mata niya at tumakbo papunta sa gawi ko. "Thanㅡ" Bigla niya akong tinabig at tinulak sa gilid kaya nadapa ako sa semento. Gulat na gulat ako at magsasalita sana nang may marinig kaming putok ng baril na tumama sa dingding ng parking. W-Whatㅡ

Nilingon ko si Thana at nakita kong may hawak na siya ng baril, silencer iyon at may pinaputukan siya sa labas ng parking. What the hell is happening?

"T-Thana..." I tried to grab her pero sinamaan niya ako ng tingin.

"Umalis ka na!" Sigaw niya habang nagpaputok sa kung sino. Ibig sabihin ba may gustong pumatay sakin? Kaya ako tinulak ni Thana dahil nakita niyang may taong gustong barilin ako?

Umiling-iling ako. "H-Hindi, t-tara na!" Nataranta ako bigla. Ewan ko, hindi naman bago sakin to pero sa twing nandyan si Thana pagdating sa ganitong sitwasyon ay sobrang natatakot ako. "Thana, tara na!"

"Mauna ka na." Matigas niyang sambit akmang lalabas ng parking pero hinila ko ang braso niya.

"Hindi! H-Hindi kita iiwan! Hindi ako aalis nang hindi kita kasama!" Sigaw ko rin.

Binaklas niya ang kamay ko, nasaktan ako dun. "Terisito, utang na loob. Umalis ka na! Wag ka nang magsalita!"

"P-Paano kung may mangyari sa'yo? Hindi kita iiwan nang mag-isa!" Sinabunutan ko ang buhok ko.

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon