22

10 3 0
                                    

Chapter 22

Nally

Ah! Shit! Sakit ng ulo ko, punyeta!

Dahan-dahan akong tumayo saka lumabas ng kwarto. "Insan?" Rinig kong boses ni Zares. "Ayos ka lang?"

Oo nga pala, dito pala ako sa bahay nila hinatid ni Dwight kagabi. "Ayos lang. Napadaan ka yata dito?" Tanong ko pabalik. Sabi kasi niya ay may pupuntahan silang lugar at dahil sa misyon nila at doon sila manatili ng ilang araw. "Akala ko ngayon na kayo aalis?"

"Kinuha ko lang ang ibang gamit ko. Saan ka pala galing kagabi?"

"Nagkatuwaan lang sa bar pero nagpahatid naman ako kay Dwight." Kilala kasi ni Zares si Dwight at may tiwala siya rito.

"Mabuti naman pala. Uminom ko ng pampawala sa hangover kaya sumakit yang ulo mo. Sige, alis na ako."

"Mmm, ingat kayo!"

Hinilot-hilot ko ang ulo ko dahil sa sakit at uminom ng ng gamot. Tss. Hindi naman marami ang nainom ko bakit ganito kasakit?

Napaupo ako sa sofa at natulala sa kawalan. Wala kasi ang parents ni Zares, as usual business matter na naman ang inasikaso. Tanging dalawang kasambahay lang nila ang nandito. Padabog akong tumighaya sa sofa at pumikit.

Third Person's POV

Nakabalik na si Nally sa condo unit niya na ikinangisi ni Teroño habang nagmamasid kay Nally. Pinatay niya ang sigarilyo niya at naunang sumakay ng elevator patungo sa floor kung nasaan ang unit ni Nally. At nang makarating, kalmado siyang sumandal sa pader ng unit ni Nally habang nakayuko. Hindi makikilala ang mukha niya pag nakayuko dahil sa sombrero niyang pangcowboy at suot niyang malaking trench coat. Balot na balot.

Sa kabilang banda naman, nang tumunog ang elevator na sinakyan ni Nally huyat na nasa floor na siya kung saan siya nakatira ay agad siyang lumabas ng elevator. Nasa hallway palang siya nang namataan niya ang isang bulto ng tao sa harap ng unit niya kaya pasimple niyang kinuha ang baril sa likuran niya.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa bulto ng tao. Hindi niya makita ang mukha nito kaya hindi niya nakikilala ngunit nang nakalapit siya ay nakita niya ang tattoo sa kamay nito na nakapagpabalik ng labis niyang galit.

"Teroño." Madilim ang mukhang nakatingin siya sa taong noon pa man ay naisna niyang patayin.

Nag-angat ng tingin si Teroño at ngumisi. "Naaalala ko talaga sa'yo ang mama mo. Noong panahong hindi pa humadlang ang papa mo, masaya sana tayo ngayon." May panunuya sa tonong wika nito.

"Hayop ka!" Inilabas niya ang baril at itinutok iyon kay Teroño. Kitang-kita ang panginginig ng kamay niya dahil sa pagpipigil na makalabit ang gatilyo.

"Bakit hindi mo kalabitin? Alam kong matagal mo na akong gustong patayin."

Mas lalong kumulo ang dugo niya at nanginginig na ang buong kalamnan niya habang nagpipigil sa sarili. Huwag, Nally! Hindi ka kagaya ng demonyo na yan na mamamatay-tao! Hindi mo mabibigyan ng hustisya anh mga magulang mo sa ganitonh paraan kaya kontrolin mo ang sarili mo!

"Totoo ngang nagpapanggap ka lang noong ipinakilala ka ni Teri sakin. Great pretender. Should I clap for you now?" Dahil sa sinabi ni Nally ay bahagyang napatigil si Teroño ngunit hindi niya iyon pinahalata. Mmm, nagkakilala na pala sila. "Pero hindi mo'ko maloloko, kung magaling kang magpanggap sa harap ng pamilya mo, pwes hindi iyon umubra sakin."

"Bakit naman ako magpapanggap sa kanila? Eh alam nila kung sino at kung anong klaseng tao ako." Matigas na turan ni Teroño na nakapagpatigil kay Nally. A-Alam ng pamilya niya? Ibig sabihin, alam ni Teri?

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon