24

7 2 0
                                    

A/N: Sa mga nakabasa na sa mga previous chapter tungkol kina Zares at Kaede, inedit ko po yun hehehe. Ngayon ko lang kasi natandaan na sa part na ito, hindi pa pala mag-on sina Zares at Kaede kaya nagtaka ako bakit engage na sila. Sorry, my bad. Inedit ko na rin para wag malito ang iba. Sana naintindihan niyo parin ang story :)
Happy reading!

*********************

Chapter 24

Nally

Nag-aabang ako ngayon sa  malapit sa bahay nila Teri dahil Plano kong abangan si Teroño at sundan sa kung saan man ito magpunta.

Nakaparking lang ako malapit sa bahay nila. Naalerto ako bigla nang nakita ko na si Teroño na lumabas at sumakay sa kotse. May bitbit pa siyang bag na at nakatuxedo pa siya.

Nang umusad ang kanyang sasakyan, pinausad ko na rin sakin pero nananatiling may distansya ang pagitan namin. Ayokong makahalata agad siya. Nagtaka pa ako nang huminto ang sasakyan niya sa tapat ng isang bahay na gawa sa kahoy. Kita kong lumabas si Teroño na may bitbit na malaking box at kita ko sa mukha niyang magbigat iyon saka siya nagtungo sa bahay.

May lumabas namang binatilyo at yumuko pa ito tila binati si Teroño. Teka, anong nangyayari? Sino sila? May ibang pamilya ba si Teroño?

Sinubukan kong mas lumapit pa at bahagyang binuksan ang bintana upang marinig sila. "Kumusta ang Papa mo, Edwin?" Rinig kong tanong ni Teroño.

"Ayos naman po, sir. Maraming salamat po dito, napakalaking tulong na po to." Yumukod ulit yung binatilyo.

"Walang anuman. Tumawag lang kayo sa bahay kung may kailangan kayo, okay?" Kita ko pang nakangiti si Teroño.

"Yes, sir. Maraming salamat po ulit." Dali kong sinarado ang bintana at yumuko dahil madadaanan ng kotse ni Teroño ang kotse ko. At nung nawala na siya ay saka ko pinausad ang akin. Sinulyapan ko pa ang bahay na iyon saka dumiretso pasunod kay Teroño.

Kaya naman pala walang nakakahalata at nakakaalam ng mga pinanggagawa niyang masama. Nagpapanggap siyang mabuting tao at kunyareng tumutulong sa iba.

Papadaan na si Teroño sa medyo kakahuyan at hindi matao kaya agad akong nag-overtake sa sasakyan niya. Mismong sa harapan ng sasakyan niya ako huminto kaya napahinto rin ang kotse niya.

Binaba ko ang bintana at nginisihan si Teroño. "Nally?" Takang sambit niya saka lumabas. "Nally, ayos ka lang? May problema ba ang kotse mo?" At chineck pa niya ang kotse ko. "Teka, tatawagan ko si Teriㅡ"

Padabog akong lumabas ng sasakyan at padabog ko ring sinara iyon kaya gulat na napatingin si Teroño sakin. "Nice game. Galing mog inarte no?"

"Nally?" Kita sa mukha niyang hindi niya ako naintindihan kaya mas lalo akong nanggigil.

"Putangina! Tumigil ka na sa pagpapanggap mo, Teroño!" Nilapitan ko siya. "Kung marami ka nang naloko, tandaan mong hindi ako kasali sa kanila!" Hindi parin siya makaimik habang titig na titig sakin. "Nasaan na ang kasabwat mo? Kaya ka umaakto ng ganito kasi wala ang kasabwat mo? Magpapasalamat na ba ako? Ha?" Sinugod ko siya at sinakal.

"N-Nally, a-ano bang sinasabi mo. Hija, hindi a-ako makahinga." Pilit niyang inaalis ang kamay ko sa pagkakasakal sa kanya.

"Wala akong pakialam, hayop ka! Matagal na talaga kitang gustong patayin!" Gigil kong hinigpitan ang pagkakasakal ko kaya nanlaki ang mata niya.

"Nally, ano bang sinasabi mo?" Matagumpay siyang nakawala sa akin at hingal naman siyang takot na nakatingin sakin. "Ano bang nangyayari sayo? Alam ba to ni Teri?"

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon