Chapter 27
Someone's POV
"Dad! Dad!" Rinig kong sigaw ng anak ko sa labas ng office ko dito sa underground ng Kalye Bar.
"What is it?" Tanong ko nang mailapag ko ang eyeglass ko.
"Dad, nalaman na nila. They know already na anak mo ako buti nalang narinig ko ang usapan nila at nakatakas ako agad. Dad, what to do now?" Tarantang niyugyog ako ni Arwyn.
"Chill, alam ko namang darating ang araw na ito kaya naman naghanda na ako. Son, I'm here at hindi ko hahayaang makuha ka nila." Ngumisi ako. "Alam na nila diba kaya naman gagawin ko na ang gusto kong mangyari."
Third Person's POV
Nakarating si Nally at Dwight sa Kalye Bar na naghahabol hininga. Hindi dahil hiningal kundi sa labis-labis na galit. Hindi niya lubos maisip na nagkamali silaㅡsiya.
Maraming tao sa bar at halos lahat ay nagsasayawan pagkapasok nila. Inilibot ni Nally ang paningin upang hanapin kung saan ba ang maaaring office ni Arwyn dahil alam na niyang si Arwyn pala ang nagmamay-ari ng bar na ito.
"Dito ka lang." Sabi niya kay Dwight.
"No, baka andito din si Teroño kaya hindi ako hihiwalay sa'yo." Giit naman ni Dwight. Wala nang nagawa si Nally nang sundan siya ni Dwight. "Sa tingin ko alam ko na kung saan sila. May hagdan dito sa dito sa sulok papunta sa attic, nakita namin ito noon." Iginiya siya ni Dwight papunta sa may hagdan.
"Attic?" Takang tanong niya.
"Two floors tong bar na'to pero may attic din na walang nakakaalam. Secret room para sa kanila. At ang hagdan nito ay nandito sa ground floor at wala sa second floor pero patago kaya walang nakakaalam." Naunang humakbang si Dwight sa hagdan kaya sumunod siya.
Dahan-dahan ang kanilang pagkakahakbang upang walang makarinig sa yabag ng sapatos nila. Hanggang sa nakarating sila sa pintong pabilog. Maliit pero kasya naman ang isang tao kung yuyuko lang.
"What the fvck is this?" Inis niyang turan. May naaninag pa silang mga CCTV cameras sa paligid.
"I guess they already knew we're here." Dwight simple said. Tila hindi kinakabahan.
Ngumisi si Nally. "Mas maigi yun." Sinipa niya ang bilog na pinto kahit alam niyang matibay iyon pero nagulat siya ng bahagya nang bumukas iyon bigla.
"Oh we have a guest. Come in! Come in!" Umalingawngaw ang boses sa paligid ng silid na iyon kaya pumasok silang dalawa. "Take a seat." Nakita nila si Teroño na nakaupo sa dulo kung saan nandun ang mesa nito. Nally greeted her teeth bago umupo sa sofa at tinabihan siya agad ni Dwight.
"Teroño, kumusta?" Pangungumusta niya rito.
"Feeling great. Ikaw, kumusta?" Anito at sinindihan ang sigarilyo.
Nally just shrugged. "Okay din. Andito ako para tanungin ka. Matagal ko nang gustong marinig ang katwiran mo rito."
"Oh, before we proceed. Can we talk, um, you know, just the two of us." Patukot nito na palabasin si Dwight upang sila lang dalawa makapag-usap.
"Nope! He's not gonna leave this room. Ano bang ikinababahala mo?"
"Wala naman." Palihim na may pinindot si Teroño sa ilalim ng mesa niya. "Mukhang inaantok kayo, tulog muna kayo." At biglang nagsilabasan ang mga usok sa kwarto kaya daling nagsuot ng mask si Teroño.
Napatayo naman sina Nally at Dwight at sinubukang buksan ang pinto ngunit hindi iyon bumukas.
"Don't worry, panandalian lang to." Rinig ni Nally ang isang pamilyar na boses kaya lumingon siya sa gilid. At doon nakita niya ang taong hindi niya lubos maisip na tatraydorin sila, ang taong isa sa pinagkakatiwalaan niya, ang taong tinrato niya na ring isang kaibigan. Nakangisi ito sa kanya at kumaway.
BINABASA MO ANG
She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2
Action[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #2 Thanalia Alvino also known as "Nally '' is part of an organization. She joined an organization to help other peopleㅡmore like weak people who cannot defend themselves if ever they encounter bad peopleㅡbut that'...