Chapter 08
Nally
Dali-dali kong hinanap ang bulto ng taong yun pero hindi ko na mahagilap. Hinanap ko pa sa loob at labasㅡkung saan-saan ko siya hinanap pero wala na siya.
Ang tattoong yun!
Pilit ko ring inalala ang mukha niya pero hindi ko magawa dahil tinapunan ko lang siya ng tingin kanina at hindi gaanong natitigan.
"Hey, may hinahanap ka ba?" Salita ng taong nasa likuran ko. Hindi ko siya pinansin kaya kinalabit niya ako. "Thana..."
Nanghihinayang na napabuntong-hininga ako. Yun na yun! Yun na yung magbabayad sa pagkamatay ng mga magulang ko pero hinayaan ko pang makawala!
"Wala akong hinahanap." Sabi ko lang saka umalis. Mabuti naman at hindi siya naging makulit kaya nakaalis ako ng mabilis sa lugar na yun.
Nang makarating sa rest house ay dumiretso ako sa kwarto para magpahinga. Nakahiga ako habang iniisip ang taong yun. Ibig sabihin, andito lang siya sa Palawan!
Kinuha ko ang phone ko ng magring. "Bakit?" Bungad ko.
["Mag-impake na daw tayo dahil babalik na tayo sa Manila."] Sabi ni Dwight.
Oo nga pala, wala na kaming kailangan dito kaya uuwi na kami sa Manila. Pero ngayong nakita ko ang taong may tattoo na iyon, nagbago ang isip ko na bumalik.
"Hmm.." sagot ko lang saka pinatay ang tawag para tawagan si Zares. "Insan.."
["Yes, may kailangan ka ba?"]
"Andito ka pa sa Palawan?"
["Oo, bukas pa kami babalik."]
"Uuwi na kasi sila Sir Abel ngayon, hindi ako sasama sa kanila. Sayo nalang ako sasabay, ayos lang ba?"
["Oo naman, Insan, kaw talaga."] Napangiti ako. Gugugulin ko nalang ang araw nato para hanapin ang taong may tattoong yun.
"Sige, Insan." Binaba ko na ang linya saka natulog.
Teri
Hindi parin mawala sa isip ko si Thana kanina na parang balisa at may hinahanap pero nang tanungin ko naman siya sabi niya wala naman daw.
"Huy, natulala ka jan?" Siko sakin ni Ace. "Ano, aalis na kami."
Tumango ako sa pinsan ko. "Mag-iingat kayo." Mahinang sabi ko.
Napatigil at napakunot-noo siyang napalingon sakin. May mali ba akong sinabi? "Teka nga, ano bang nangyayari sayo? Himala ata't naging mahinhin ka ngayon?"
"Wala. Sige na, umalis na kayo baka mahuli pa kayo sa flight niyo." Sabi ko nalang. Pumasok naman si Zhel sa room ko.
"Una na kami sa inyo, Terisito." Napamake-face nalang ako. "Kidding, Teri HAHAHAHA!" Ang kaibigan kong yun, naging sila lang ng pinsan ko naging bully na siya sakin!
"Layas na kayo! Wala naman kayong ibang ginawa kundi ang inggitin ako!" Mauuna kasi silang aalis samin dahil may aasikasohin sila sa Maynila.
"Maghanap ka na kasi or should I say nahanap na pero in-denial ka lang!" Singit ng pinsan ko.
"Ano namang sinasabi mo jan?"
"I'm not stupid! Halata naman dahil sa paano ka tuksuhin ng mga kaibigan mo sa babaeng yun." Dahil sa sinabi niya, sinamaan ko siya ng tingin.
"Nonesense. Chupi! Alis na!" Pinagtutulak ko sila palabas ng pinto ng room ko kaya nakasimangot silang lumabas.
Napabuntong-hininga ako at napagpasyahang matulog.
BINABASA MO ANG
She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2
Acción[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #2 Thanalia Alvino also known as "Nally '' is part of an organization. She joined an organization to help other peopleㅡmore like weak people who cannot defend themselves if ever they encounter bad peopleㅡbut that'...