Chapter 15
Nally
Nakahinga ako ng maluwag sa nakalipas na isang linggo dahil naging peaceful ang buhay ko. Hindi ko pa rin siya maiwasang isipin dahil alam niyo namang ito unang beses na nagkagusto ako pero alam ko namang lilipas lang to.
Nandito ako sa isang bookstore sa mall dahil may bibilhin akong libro. Nagtingin-tingin ako dahil kailangan sa isang subject ang libro na dapat kong bilhin ngunit ganun nalang ang paninigas ng katawan ko nang may nahagip na pamilyar na bulto ang mata ko. Shit!
Walang pagdadalawang-isip akong lumabas ng bookstore at nilapitan ang taong iyon na prenteng nakaupo sa isang couch na nandun. Gigil na gigil akong tumakbo ng walang ingay upang hindi niya ako mapansin. Hinay-hinay ko ring nilabas ang silencer ko. At nang tuluyang makalapit, itututok ko na sana sa ulo niya nang batohin niya ang kamay ko ng libro. Napansin niya ako!
Umiwas ako sa gilid nang akmang aabutin niya ang damit ko. Agad din siyang nakatayo sa harap ko kaya sinuntok ko siya sa tagiliran sabay sipa sa kanyang binti. Wala akong pakialam kung nasa loob kami ng mall dahil hustisya na ang pinaglalaban ko. Hindi lang para sa mga magulang ko kundi pati na rin sa mga taong pinagkaitan niya ng buhay.
Umikot ako at sisipain na sana siya ngunit nahila niya ang kanang paa ko kaya nauntog ako sa sahig. Putangina!
Ang mga taong nakakita samin ay nanlalaki ang mga mata. Meron ring napatakbo sa takot at sumisigaw. "Wag ka ng makialam, bata!"
"Hah! Gago! Anong wag makialam! Magulang ko ang pinatay mo, hayop ka!" Sinugod ko siya dala ang kutsilyo ko ngunit bago paman ako makalapit sa kanya'y itinutok na niya ang silencer sakin. Ang silencer ko.
Ngunit, hindi ako nagpatinag at buong tapang hinarap at sinugod siya. Nakaiwas siya at kinasa ang baril. "Pagbibigyan kita. Umalis ka na kung ayaw mong mamatay dito!"
Ramdam ko ang hingal sa buong katawan ko. "Bakit hindi mo rin ako patayin? Tutal, ganun din naman ang ginawa mo sa iba pang mga tao. Mamamatay tao ka!"
Ngumisi siya at mas lalong idiniin ang baril sa noo ko. Napapikit ako. I'm so sorry daddy, mommy, pero mukhang hindi ko makakamit ang hustisya niyo. Pero magkakasama na tayo, mas maganda naman yun diba?
Ramdam kong may tumulong luha sa pisngi ko. Ngunit ilang minuto ang nakalipas, buhay pa rin ako at walang maramdamang sakit. Wala narin ang dulo ng baril sa noo ko kaya napamulat ako. Napalingon-lingon ako sa paligid at wala na nga yung tao. Pero ang baril ko nasa sahig kaya pinulot ko. Inayos ko rin ang magulo kong damit at buhok. B-Bakit hindi niya ako pinatay?
Tulala akong naglalakad pauwi sa condo ko. Walang nabiling libro ang nangyari. Hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari kanina. Hawak na niya ako sa leeg kanina ngunit bakit hindi niya ako pinatay? Dahil ba nasa public kami at nakikita siya? Kaya ba hindi niya ako pinatay? Alam kong gigil na gigil din yun na patayin ako!
Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip. Nakahawak ako sa ulo ko nang may mabunggo ako. "Ano ba?" Di ko namalayang naisigaw ko.
"Sorry.." sobrang hina ng boses niya yung tipong parang dala lang ng hangin ngunit hindi yun naging hadlang para hindi makilala ang boses na yun. Awtomatik akong napaangat ng tingin. Nanlaki ang mata niya sakin at yumuko agad. Ako naman, hindi namalayang sinilip ko na pala ang mukha niya dahil nga nakayuko siya. Todo iwas naman siya. "B-Bakit?" Tila nahihiya niyang ani.
"Natutulog ka pa ba?" Di ko napigilang tanong. Ang itim kasi ng ilalim ng mga mata niya, parang laging puyat.
Ngumuso naman siya. Ayan na naman siya! "Kasalanan mo'to!" Bulong-bulong pa siya. "Wag mo na akong kausapin, tsk!" Saka siya tumalikod.
BINABASA MO ANG
She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2
Action[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #2 Thanalia Alvino also known as "Nally '' is part of an organization. She joined an organization to help other peopleㅡmore like weak people who cannot defend themselves if ever they encounter bad peopleㅡbut that'...