5

35 5 0
                                    

Chapter 05

Teri

"Teri, hindi pa rin ba sumagot yung babaeng tinanongan mo?" Tanong ni Laxon. Bakit ba sa twing nagkikita kaming apat ay yan palagi ang tanong niya?

Tumikhim ako dahil sa kasinungalingang isasagot ko. "Hindi pa. I told you, mahirap siya kausapin at walang modo pa!" Asik ko kunyare.

Ewan ko ba, ang simple lang naman sabihing "Oo, nasagot na niya kaya naman wala ng rason pa para lapitan ko siya." Pero bakit di ko magawa? Sa isiping hindi na ulit ako lalapit kay Thana ay parang ayaw ko? Weird! Na-trauma na ako sa babae eh, simula nung lokohin ako ni Angela, pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na hahayaang ma-involve ulit ang sarili ko sa mga babae. Pero bakit ayokong layuan si Thana?

"Bro, gusto mo ako nalang ang gagawa?" Nagtaas-baba pa ang kilay ni Blunt.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ulol! Ang sayo naman asikasohin mo, pwede?"

"Hays! Walang ka-enjoy-enjoy kasi ang pinapagawa sakin ni Laxon eh. Di-nare ba naman ako na maghubad sa hallway at sumayaw ng Paro-Paro G." Ani Blunt at umiling pa. "Napakadali lang diba?" Tanong pa niya sakin.

"What?" Sigaw ko. "Hindi niyo man lang sinabi sakin? Sana vinideohan mo, Damien!" I hissed at them.

Humahalpak naman bigla si Damien ng tawa. "Tol, kung nakita mo lang si Blunt kaninaㅡhahaha parang tanga!" Tawa pang usal ni Damien. May sinenyas pa siya sakin na navideohan daw niya pero hindi alam ni Blunt. "Sorry tol, bawal kasing i-video." He winked at me.

Ngumisi naman ako. "Ay ganun? Sayang naman." Sabi ko lang.

"Bawal talaga. Nakakahiya kaya yung ginawa ko! Hindi yun ka-enjoy-enjoy, kahiya-hiya yun!" Pagmamaktol pa ni Blunt. Natawa nalang kami.

"Eh sayo Damien, ano namang pinapagawa sayo?" Tanong ko.

"Wala pa sa kanya, tol. Wala pa akong maisip eh." Si Laxon ang sumagot. Tumango-tango nalang ako at napatingin sa unahan ng may dumaan.

"Um.. sige mga tol, may pupuntahan lang ako saglit." Paalam ko.

Hindi pa man sila nakasagot ay agad na akong tumakbo papalayo at sinundan si Thana.

Pero napahinto din ako ng ma-realize ang ginagawa ko. What the hell am I doing? Bakit ko ba siya susundan? Para naman akong may gusto sa kanya nito, tsk!

Napailing ako at nagpatuloy din sa huli. Okay, ako nang parang stalker.

Nakita ko siyang papalabas ng gate at kumibot-kibot ang bibig na para bang may kausap.

Nally

"Nally, any signs?" Ani Sir Abel. Kausap ko siya through the earpiece na binigay niya sakin kanina.

"Negative, Sir." Sagot ko habang nakatingin sa highway sa harap lang ng school namin.

Ang inaabangan ko kasi ay ang mga van at pag nagkataong may makita ako, ipapara ko ito para tingnan ang loob. Kung sino mang hindi huminto sa pagpara ko, walang duda, yun na ang hinahanap namin.

Ang kaso kasi namin ngayon ay ang mga lasong pumapatay sa mga alagang hayop. Marami dawng nagbebenta nun na nakasakay sa van ayon sa ulat ni Dwight. Nang-eengganyo sila ng mga tao, sobrang mura ang pagbebenta nila sa mga pagkain ng hayop para mas marami ang bumili, yun pala may lason.

Anong point nila at bakit hayop ang pinuntirya nila? Yan din ang tanong ko pero tila nagising ako sa sinabi sakin ni Sir Abel.

Hindi talaga hayop ang puntirya nila. Ginagamit lang nila ang mga hayop para makitang effective ba ang gawa nila at para magamit na nila sa taong gusto nilang patayin. In short, tinesting lamang nila sa hayop ang gawa DIY lason nila.

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon