Chapter 11
Teri
"BWAHAHAHAHA! Ano ngayon? Kinain mo rin mga pinagsasabi mo noon?" Kantyaw na malakas ni Damien. Habang ako sapo ang ulo dahil sa hangover. "Ano yung sinasabi mo noon? Hindi magkakagusto? Hah! Hindi magkakagusto my assㅡ" Hindi na ako nakatiis kaya kahit sobrang masakit ang ulo ko nagawa ko siyang batohin ng unan.
"SHUT THE FVCK UP!" Shit! Bakit ba ako uminom in the first place?
"Stop it, Damien. Can't you see our friend here still not up because of hangover?" Ani Blunt. Medyo nagpapasalamat ako kay Blunt ngayon dahil hindi niya ako pinagtatawanan at siya lang ang nakapagbigay sakin ng gamot for hangover.
"Tss! Ano nang gagawin mo? Ngayong inamin mo na sa sarili mo, ano nang gagawin mo? Lalo na pag nakita mo siya bukas?" Biglang nagseryoso si Damien. Wala kasi si Laxon dahil may pinuntahan saglit.
"I honestly don't know. You know I can't just admit my feelings to her. Alam niyo naman ang ugali niya." Sabi ko habang nakasandal sa headboard.
"Alam natin ang ugali niya pero nagustuhan mo pa rin siya."
Sinamaan ko ng tingin si Damien. "What's wrong with her, anyway? I honestly had a crush on her 'cuz she's cool." Ngayon, si Blunt naman ang sinamaan ko ng tingin kaya nagpeace sign siya. "Noon lang, 'tol. Di na ngayon. Ayokong kalabanin ka." And he smiled sweetly.
"Siguraduhin mo lang." Sabi ko lang at napalingon kay Damien na matamang nakatitig sakin. "What?"
"Are you planning on making her your girlfriend? Bakit nag-iba awra mo nung sabihin ni Blunt na may gusto siya sa kanya eh hindi naman siya sa'yo!"
Natigilan ako. Hindi ko nga alam kung paano aminin sa kanya eh! I'm sure mumurahin lang ako nun. "GET OUT! Magpapahinga ako, get out!" Taboy ko sa dalawa.
Inis akong nagtalukbong ng kumot at inalala lahat ng ginawa ko kagabi sa bar. Argh! Did I really said that? Did I really admit? Fvck!
Hinawi ko ang kumot nang mainitan. Fine! Nasabi ko na, wala na akong magagawa.
Sapo ang ulo kong pumunta ng CR at naligo. Pagkatapos, nagbihis at lumabas ng kwarto.
"Buti naman at naisipan mo ng bumangon. For God's sake Terisito, hindi ka lumpo!" Bungad ni Laxon na nakaupo sa sofa.
"And for fvck sake, this is my house. Kung makaasta kayo sa inyo tong bahay namin." I glared at Damien who's eating cake infront of my refrigerator. "Subukan mong ubusin yang cake ko, tatamaan ka sa'kin!" Ngumiwi lang ang hayup.
God! Sasakit ng malala ang ulo ko sa mga bwisit na'to!
Ako lang kasi mag-isa dito sa bahay namin.
"Oh! Damot!" Napanganga ako nang magdabog si Damien at inilahad sa harap ko ang cake na pinabili ko kay Ate Treya kanina.
"Yan! Ganyan dapat." I smirked and ate my cake. Nanood kami ng movie since wala rin naman kaming gagawin. Nakalimutan kong masakit ang ulo ko dahil sa pinanood naming cartoon.
Nakakatatlo ata kaming cartoon na napanood. The Croods 2, Home, atsaka Encanto. Maganda naman lahat buti nalang.
"Uwi na kami, bro, hapon na." Tumayo si Laxon at kumain pa saglit sa cake ko. Malaki kasi tong cake na pinabili ko kaya hindi ko pa rin naubos.
"K." Sagot ko lang.
"Anak ng! Pagkatapos ka naming alagaan, K lang sasabihin mo?" Drama na naman ni Damien.
BINABASA MO ANG
She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2
Action[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #2 Thanalia Alvino also known as "Nally '' is part of an organization. She joined an organization to help other peopleㅡmore like weak people who cannot defend themselves if ever they encounter bad peopleㅡbut that'...