14

22 3 0
                                    

Chapter 14

Nally

Ilang araw na ang nakalipas simula nung mangyari ang insidenteng yun. Ilang araw rin akong pumasok at nakipag fake friend nalang ako sa isa naming kaklase para ma-update ako sa mga ganap sa university.

Ewan ko ba, parang naduwag ako bigla na pumasok. May parte sakin na ayaw magpakita kay Teri. Hindi ko alam pero nararamdaman kong hindi ko makontrol ang sarili ko pag malapit siya sa'kin kaya simula ngayon susubukan kong wag magtagpo ang landas namin.

Nakatambay ako ngayon sa veranda ng condo unit ko habang nagkakape. Iniisip kong pumasok na dahil apat na araw na akong hindi pumapasok. Syempre gusto ko paring gumraduate kaya papasok na ako at babawi sa mga lessons.

***

Nagbayad ako sa taxi dahil hindi ko dala ang motor o kotse ko. Napagpasyahan kong maglakad nalang para magpatuloy sa university. May nadaanan pa akong mga batang nagtitiktok sa isang bahay. Napangiti ako ng pait.

Ni minsan, hindi ko naramdaman ang kabataan ko noon. Palaging wala sina mommy and daddy dahil sa trabaho nila at nung naging agents sila, mas nagiging busy sila. Minsan sa isang taon isa o dalawang beses lang sila nagpapakita sakin. Dahil ayaw din nilang madamay ako, hangga't maaari hindi sila umuuwi sa bahay. Buti nalang talaga madali ko lang natatakbuhan si Zares at Daren. Kaya kahit papano may nakakasama ako.

Kaya maswerte ang mga batang ito dahil sama-sama silang lahat kahit pa maliit lang ang tahanan nila.

Napabalik nalang ko saking ulirat nang may umakbay sakin. Napakurap-kurap pa akong napatingin sa taong yun.

Ngisi ni Teri ang bumungad sakin saka ako kinindatan. "What are you doing here, Thana?"

Dahil naramdaman ko na naman sa sarili ko na natulala at parang nahipnotismo ay agad kong pinilig ang ulo. Ano bang ginagawa ng bwisit na'to sakin? Kinulam yata ako, tangina!

Agad kong binaklas ang pagkakaakbay niya sakin saka dali-daling naglakad papuntang university. Maling-mali na huminto ako kanina at tumingin-tingin sa mga bata. Hays!

"Hey! Wait for me! Sabay na tayo! What a coincidence, hindi ko din dala sasakyan ko. Tsk. Tadhana nga tayo. Intay naman!" Narinig kong tumakbo siya upang makahabol kaya naman tumakbo narin ako papalayo. "Thana! Sabay tayo, please!"

Fvck! Don't mind him, Nally! Continue running!

Pinilit ko ang sarili na hindi lumingon at mas binilisan pa ang pagtakbo. "Bakit ba ang bilis mong tumakbo?"

"Just don't fvcking chase me!" Sigaw ko.

"Uyy! Anong chase? Luh, tumakbo kaya ako para hindi ma-late." Sigaw niya pabalik.

God! Ang lakas ng boses ng walanghiya!

Nang makarating ako sa gate ay bahagya akong napayuko dahil sa paghabol ko ng hininga hanggang sa may tumabi sakin at ginaya ang porma ko. "Bakit hindi ka pumasok ng apat na araw?" Napapikit ako ng mariin. Wala bang pagod sa katawan ang kumag na'to?

Inirapan ko siya saka nagpatuloy at hindi siya pinansin. Hindi ko siya pinansin hanggang sa nakarating ako sa building namin. Alam kong nakasunod parin siya sa'kin dahil sa mga yabag ng ang bigat.

Papasok na sana ako sa gate ng building namin nang hilahin niya braso ko. Seryosonh mukha niya ang bumungad. "Kung nagiging ganyan ka dahil sa pag-amin ko sa'yo, sorry to say this but I already said what I feel for you. You can ignore me all you want but I'll still court you just to prove to you that I'm serious about this feeling towards you. I'll still court you no matter what happen, Thana, and you can't just stop me." Sabay talikod at lakad palayo.

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon