20

14 3 0
                                    

Chapter 20

Nally

"Dad, siya po yung nililigawan ko. She's Thanalia but you can call her Nally."

Titig na titig lang ako sa matandang nasa harapan ko. Inilahad niya ang kamay sakin. "Sa wakas, may naipakilala na rin sakin ang anak kong to. Akala ko hindi na magseseryoso to eh! Nice to meet you hija, call me Tito nalang."

Nakatitig parin ako at walang balak na tanggapin ang pakikipag-kamay niya sakin. Sinasaulo ko ang itsura niya habang naiisip ko ang itsura niya nung nagkita kami noong nakaraang ilang linggo. Ngunit nagtaka ako kung bakit iba ang boses niya, may pagkakaparehas, oo, pero may iba talaga eh. Dumako ang tingin ko sa kamay niya, may tattoo parin iyong belladonna.

Wait, diba alam niyang nakita ko na ang tattoo niya? Bakit ibinalandara niya parin iyon sa harapan ko ngayon? May plano ka ba, Teroño?

"Thana? Are you okay?" Naramdaman ko ang hawak ni Teri sa kamay ko kaya pinilit ko nalang ngumiti sa tatay niya at tinanggap ang kamay niya.

"Nice to meet you din po."

Ngumiti ang daddy niya ng marahan. Kung tingnan si Teroño ngayon, parang iba siya. Marahan ang kilos at pananalita niya. May mali talaga eh! Shit! Kailangan kong malaman kung ano iyon!

"Upo muna tayo." Nakita kong hinalikan ng daddy ni Teri sa pisngi ang asawa niya. Nakamasid lang talaga ako sa bawat kilos niya hanggang sa umupo na siya sa sofa sa harapan ko. "Let's eat, everybody!" Sigaw ng mommy ni Teri.

Andito kami ngayon sa dining table. Katabi ko si Teri na nasa kaliwa ko at nasa harapan ko ang ate at asawa nito. Katabi ko naman si Tita sa kanan at si Tito naman ay nakaupo sa upuan ng mga tatay.

"Is my son treating you right, hija?" Napakurap-kurap ako sa pinggan ko nang marinig kong nagsalita si Teroño.

Napatingin ako kay Teri na nakatingin din sakin. "Oo naman, dad. Grabe naman kayo sakin!" Pagdadrama nang nasa tabi ko.

Tumawa naman ang daddy niya. "OA mo talaga, Terisito, nagtatanong lang eh." Nginuya-nguya ko ang pagkain sa bibig at pilit nilulunok yun.

"Haynaku, dad, halata naman kasi sa dinami-dami ba namang babae yang si Teri, si Nally lang ang dinala niya rito sa bahay." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Treya.

Nanlaki ang matang lumingon si Teri sakin kaya pinanliitan ko siya ng mata. "Ate! Anong madaming babae? Wala akong ibang babae, wag ka ngang sinungaling!" Kita ko sa mukha niya ang kaba habang hinuhuli ang kamay ko. "Pramis, wala akong ibang babae." Aniya sakin. Binalewala ko nalang at pinagpatuloy ang pagkain. "Thana, wala akong ibang babae ah!" Aniya pa.

Kita kong nabungisngis ang lahat dahil sa kanya. "Bro, it's good to see you being this whipped. Apir tayo jan!" At talagang nag-apir ang dalawang lalaki.

"Nakakatuwa kayo. O, sige, ubusin niyo na ang pagkain niyo." Bumaling sakin si Tita. "Hija, wag kang mahiya, magpakabusog ka lang, okay?" Tumango ako bilang tugon.

Habang kumakain, pasulyap-sulyap ako kay Teroño at wala naman akong nakita o napansing kakaiba. Sadyang magaling lang siyang umarte kasi andito ang pamilya niyaㅡ

Naalala ko bigla yung panahong nakakalap kami ng impormasyon tungkol kay Teroño na hindi ko lubos maisip na daddy siya ni Teri. Talaga bang wala silang alam sa pinanggagawa ng daddy niya? Si Tita, hindi ba niya alam ang trabaho ng asawa niya?

Kung titignan mo sila ngayon, parang wala talaga silang kamalay-malay. Pati nga si Teroño, kung kumilos ngayon ay parang inosente siya. At dapat may sugat siya o peklat man lang kasi galing kaming aksidente pero bakit ni katiting na sugat ay wala siya?

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon