Chapter 18
Teri
Ngingiti-ngiti akong tumungo sa College of Business Administration building. Gusto kong hintayin si Thana at sabay kaming maglunch. "Hi, Teri."
I just smiled and continued walking. Ang ganda talaga ng araw ko. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi.
Nakasandal ako sa pinto ng unit ko habang nakatitig sa nakasaradong pinto ng unit ni Thana. Wala pa siya at inaabangan ko siya ngayon dahil gusto kong sabihin na sabay kami bukas papuntang school.
Agad akong napaayos ng tayo at napangiti pagkakita sa kanya na nakakunot-noo at deretso ang tingin sa unit niya. Hindi nga niya ako napansin eh kaya ngumuso ako.
Kita kong binuksan niya ang pinto gamit ang key card niya at papasok na sana kaya tinawag ko. "Tsk. Di man lang ako napansin." Nguso kong sambit.
Gulat pa siyang nakatingin sakin pero agad ding naglaho ang pag-aarte ko nang makita ang pagod sa mukha niya. "Thana, are you okay?"
"I'm just tired." Pumasok siya at sinenyasan akong isasarado na niya ngunit pinigilan ko. Walang pagdadalawang-isip akong pumasok at inilibot ang tingin sa kabuuan ng unit niya. Plain and simple, yun lang ang design niya. "Magpapahinga na akoㅡ" Parehas kaming napahinto pagkarinig sa tiyan niyang nag-aalburuto.
Napabuntong-hininga ako. "You haven't eaten yet?" Nag-iwas lang siya ng tingin. "Tsk. Wag mo ngang pinapabayaan ang sarili mo!" Asik ko saka nagtungo sa kitchen niya.
"Anong gagawin mo?" Aniya at sumunod.
"Magluluto. Marunong akong magluto ng basic meal. At least man lang malamanan ang tyan mo." Sabi ko at sinimulang magluto. Buti nalang marami siyang stock na groceries kaya walang problema sa ingredients. "Pahinga ka muna. Tatawagin lang kita pag tapos na ako rito." Wala siyang imik kaya tiningnan ko siya. Ganun nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa masuyong titig niya. Tumikhim ako. "Inlove ka na niyan?" I teased kahit pa sobrang tibok ng puso ko.
"Maybe." Baliwala niyang turan saka tumalikod at umupo sa sofa sa sala. A-Ano raw?
Dahil sa narinig, ginanahan akong magluto. Bacon, egg, hotdog, and fried rice lang alam kong lutuin. Tsk. Pang breakfast to eh!
"Thana, come here." Tawag ko sa kanya. Inilapag ko sa dining table ang mga pagkain at umupo na rin siya. "Go on, eat." Udyok ko nang makitang hindi siya kumain.
"Ikaw?"
"I already ate."
"Hindi ako kakain kung hindi ka kakain." Mahinang sabi niya na nakapagpakilig sakin.
BINABASA MO ANG
She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2
Aksiyon[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #2 Thanalia Alvino also known as "Nally '' is part of an organization. She joined an organization to help other peopleㅡmore like weak people who cannot defend themselves if ever they encounter bad peopleㅡbut that'...