12

32 3 0
                                    

Chapter 12

Nally

"You mean, siya?" Tanong ko kay Zares. Sinabi niya sakin na nakompirma niyang si Kaede, yung nakita kong kasama ni Daren, ay ang dahilan ng pagkawala ng bangungot niya.

Binabangungot talaga ang pinsan kong ito mula noong bata palang kami. Pero nung nakilala niya ang first girlfriend niya noonㅡsi Ailee, ay nawala ang mga iyon. Ngunit nung namatay si Ailee, bumalik ang bangungot niya and worst siya na ang laman ng bangungot ni Zares.

Pero bakit kaya si Kaede ngayon ang nakapagpawala ng bangungot niya?

"I don't know kung bakit siya sa dinami-dami. Damn! I even barely know her!" He frustratedly messed his hair.

"Ano nang gagawin mo?"

"I don't know. Daren is so mad. Akala niya gagamitin ko si Kaede para makatulog but heck I would never do that!" Naaawa ako sa pinsan ko dahil wala man lang akong maitulong.

"Basta andito lang ako, hmm?" I tapped his shoulder.

Natapos ang aming pag-uusap nang kinailangan kong pumunta sa jughouse.

"Bakit po, sir?" Bungad ko.

May dalang ipad si sir Abel at itinapat sakin yun. "Ito ba ang mukha niya?"

"Yes, sir. Siya nga!" Kinabahan ako bigla.

"Nahagip siya ng CCTV sa isang hotel. Ayon sa imbestigasyon, ang lalaking ito ay isang businessman at hotelier. Marami itong pagmamay-ari na hotel sa iba't ibang panig ng bansa at maging sa ibang bansa." Mahabang saysay ni sir.

Nangunot ang noo ko. "Kung ganun, bakit niya pinatay ang magulang ko? At bakit siya nanlalason?"

"Yan ang hindi natin masagot sa ngayon. Ngayong may idea na tayo sa itsura niya, makakatulong ito sa paghahanap natin sa kanya kahit saang lugar."

Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko ang mukha nung lalaki because somehow he seems familiar to me. Hindi ko naman maalala kung kaninong mukha ang nakikita ko sa kanya.

Bumuntong-hininga ako. "You okay?" Tanong ni Dwight. Andito ako sa presinto ngayon dahil binisita ko yung nadakip naming lalaki na parehas kaming iisa lang ang hinahanap.

Tango lang ang naging sagot ko sa tanong niya. "Alis na ako."

"Hatid na kita." Agad siyang tumayo.

"Hindi na, may motor ako." Mahinang sabi ko. "Saka, didiretso na ako sa university."

Bumuntong-hininga nalang siya at tumango. "Ingat ka."

Nagpaalam na ako at sumakay sa motor ko saka pinaharurot papuntang university. Nang makarating sa parking lot, naabutan ko pa si Teri na parang may hinihintay at nang makita akong magpapark palang ay agad siyang napanganga at hindi makapaniwala na animo'y nakakita ng kamangha-mangha. Psh!

Lalampasan ko na sana siya nang magsalita siya agad nakasabay sa paglalakad. "I didn't know you can ride a motorbike." Hindi ko siya pinansin. "Um.. y-you were hot."

Agad napatigil ako at kinunotan siya ng noo. "What?" Nag-iwas siya ng tingin at bahagya pang namumula ang tenga. "Kung ako sa'yo wag na akong pumasok. May sakit ka pa ata, namumula tenga mo." Diko napigilang sabihin.

Ngingiti siyang lumingon sakin. "Tsk. Tara na nga!" Aniya sabay iwas ng tingin na parang nahihiya. Hindi ko alam kung bakit sumabay ako sa kanya pero dahil pagod din naman ako, hindi na ako pumalag.

Habang naglalakad kami sa hallway, ramdam na ramdam ko ang tinginan ng mga tao sa paligid namin. Yung iba nga ang sasama ng tingin sakin. Pero napakababaw ko naman kung papatulan ko kahit wala akong ginagawa sa kanila kaya hindi ko nalang pinansin. Bakit nga ba ang sasama ng tingin nila sakin? Nasagot ang katanungan ko nang makita ang iilang babae na tila nagpapacute at nagpapansin sa kasama ko. Kaya pala. Tss! Marami palang naghahabol sa bwisit na'to hindi lang halata!

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon