Chapter 04
Nally
Humikab-hikab pa ako habang naglalakad sa hallway. Inaantok pa ako kahit na maaga akong natulog kagabi.
Napatigil nalang ako nang may humawak sa balikat ko. Kaya agad ko yung hinawakan at pinaikot. "Awwㅡaraayyyy!" Agad ko yung binitawan nang makilala ang boses na yun. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang aga niyang sinira ang mood ko. Kailan ba ako tatantanan ng lalaking to? "Ang sakit nun!" Asik niya.
"Gusto mo isa pa?" Madiing sabi ko. Agad akong tumalikod at nagpatuloy.
"Teka lang, Thana. Wait!" Nahawakan niya ako sa braso na agad kong binaklas.
"Anong Thana?" Ngayon, mas ramdam ko na ang talim ng boses ko.
"Thana.. short for Thanalia. Siguro, nagtataka ka no kung bakit alam ko ang pangalan mo?" Ngumisi pa siya.
"Alam mo kung ano ang pinaka-ayaw ko sa lahat? Yung basta-bastang tawagin ako ng kung ano-ano. Kaya kung ayaw mong makatikim ng galit ko, wag na wag mo'kong tatawagin niyan!" Saka hindi ko maintindihan sa bwisit nato. Kahapon ang sama ng ugali niya tapos ngayon nagiging ganito na siya.
"Ang sungit mo talaga. Alam mo kasalanan mo rin naman kung bakit hindi kita matantanan. Sagutin mo na kasi yung tanong ko!" Aniya pero hindi ko siya pinapansin.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at siya naman patuloy akong sinusundan.
Ngunit tila nagpanting ang tenga ko sa narinig na bulong-bulungan sa paligid namin.
"What the hell? Ang kapal naman ng babaeng yan, si Teri na nga ang lumalapit sa kanya, siya pa tong may ganang mag-inarte! Hindi naman kagandahan!" Rinig kong sabi sa paligid namin. Na-realize kong ang dami palang estudyante.
Hindi ko kilala ang sinasabihan niyang Teri pero alam kong kami ang tinutukoy niya dahil sa amin siya nakatingin. Huminto ako sa paglalakad at handa ng sugurin yung pesteng yun.
Kaya ayaw na ayaw kong maging attention seeker. Tss!
Humakbang ako papunta dun sa babae para sumugod dahil hindi talaga matanggap ng sistema ko ang sinabi niya pero napahinto nalang ako sa nakita.
"What the fvck did you just say?" Tila natakot ang mga babae at parang natameme. "Stop gossiping around. Look at your face! Dahil sa kakachismis mo, mas lalong hindi mo naalagaan ang mukha mo! At ano yung sabi mong hindi kagandahan? Bakit, sobrang ganda mo ba? Kung maka-chismis ka Akala mo isa ka nang dyosa!" Pagalit ang tono niya.
Ang hindi ko maintindihan kung bakit niya yun ginawa.
I shrugged at pinagpatuloy ang paglalakad ko hanggang sa makarating sa building.
Teri
Pagkatapos kong sigawan ang pangit na babaeng yun, agad hinanap ng mata ko si Thana. Iwan ba naman ako, tsk! Pasalamat siya't pinagtanggol ko siya tapos iniwan ako bigla.
Ewan ko ba pero nang marinig ko ang mga salitang yun kanina mula sa paligid biglang nag-init ang ulo ko kaya nilapitan ko yung babae kanina. Hindi nagustuhan ng tenga ko ang lumalabas sa bibig niya.
Dahil wala na akong nagawa at alam ko namang pumasok na si Thana, pumasok na rin ako sa building namin.
"Yow, Teri buti naman andito ka na." Bungad ni Damien sakin.
"Teka nga, nakakahalata na ako eh. Kinakarir mo talaga ang pagkuha ng sagot dun sa babaeng pinili ko." Ani Laxon. Napa-face palm nalang ako.
"Bobo ka o tanga?" Singhal ko. "Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagsabi na hindi ko siya tatantanan hanggang sa bigyan na niya ako ng sagot, ulol ka!" Binatukan ko nga.
BINABASA MO ANG
She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2
Action[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #2 Thanalia Alvino also known as "Nally '' is part of an organization. She joined an organization to help other peopleㅡmore like weak people who cannot defend themselves if ever they encounter bad peopleㅡbut that'...