Chapter 10
Nally
Bigo akong bumalik ng Maynila kasama si Zares. "Hey, cheer up. Sabi mo nga diba na bumalik dito yung taong yun?"
"Eh kasi, hirap ko nga siyang makita dun, dito pa kaya!"
"Nally, nakita mo siya nun nang hindi mo inaasahan, baka ganun lang din ang mangyayari." Zares faced me. "Hmm? We all want the justice for your parents kaya mas maiging maging handa palagi."
"Yeah. . ." Tama si Zares. Susulpot at susulpot ang kalaban nang hindi inaasahan.
Pumasok kami sa bahay nila at sinalubong ng parents niya. "Oh, how are you, kids?" Tanong ni Tita sabay kiss sa pisngi ni Zares saka sakin.
"We're both fine, mom, right Insan?"
"Yes po, Tita. Kayo po, how are you?" Balik-tanong ko.
"As usual, exhausted but we're okay now that you're here. Let's go inside." Pagpasok naming living room, nadatnan namin si Tito na nanood ng cartoons. "Hays, too much for the oldie." Tita rolled her eyes at her husband.
"What? I'm not an oldie! I can still make you scream in the bedㅡ"
"KEVIN!" napaigtad ako sa sigaw ni Tita at namumula itong nilapitan si Tito saka tinampal ang bibig.
Rinig ko naman ang buntong-hininga ni Zares. "Yaks! Parang mga virgin." Mahinang usal niya na ikinatawa ko.
"Parang hindi ka nasanay." Sabi ko lang bago umakyat sa second floor at dumiretso sa kwarto ko.
***
"Hello?" Mahinang wika ko matapos maalimpungatan dahil sa tunog ng cellphone ko.
["Naistorbo ko ba ang tulog mo?"]
Boses ni Dwight ang bumungad sakin. "What is it?" I ignored his question.
["Bakit nga pala nagpaiwan ka sa Palawan? Wala, gusto ko lang malaman."]
Ayaw kong malaman niya ang totoong pakay ko kaya nag-isip ako ng palusot. "Wala, naisipan ko lang sumabay sa pinsan ko. Andun din kasi siya." Humihikab ko pang turan. Nag 'ahh!' lang siya kaya tinanong ko siya kung yun lang ba ang pakay niya.
Nang sabihin niyang yun lang ang pakay niya, agad kong pinatay ang tawag at natulog ulit.
***
Pasukan na naman, ang dali lang ng sembreak kaya wala akong choice kundi pumasok ngayon. Naglalakad ako sa gilid ng field ngayon habang may naglalaro ng volleyball.
"Psstt!" Hindi ko pinansin ang sumitsit sakin hanggang sa banggitin na naman niya ang pangalan ko. "Thana!"
Napahinto ako. "Ano na naman ba? Hindi ka ba napapagod pestehin ang buhay ko?"
"Attitude agad eh. Gusto ko lang itanong kung sayo ba'to?" Nilingon ko ang kamay niyang may hawak na libro, yung about psychology na nakita ko sa Palawan. "Naiwan mo kasi to nung nasa Palawan pa tayo."
My face remained stoic. "Hindi akin yan." Saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Watch out!" Nagulat ako nang sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya at nasa kamay niya ang isang volleyball. Mariin siyang nakatitig sakin at lumingon sa mga naglalaro bago binato pabalik ang bola. Bumalik ang tingin niya sakin at dahil masyado kaming malapit sa isa't isa, inihakbang ko paatras ang paa ko at di namalayan may bato pala kaya nadulas ang isang paa ko. "Careful!" Nanlaki ang mata ko dahil nasalo niya ako mula sa pagkakatumba. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa bewang ko habang ako ay nakakapit sa braso niya. "Tss, careless!" Rinig kong bulong niya sa hangin.
BINABASA MO ANG
She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2
Aksi[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #2 Thanalia Alvino also known as "Nally '' is part of an organization. She joined an organization to help other peopleㅡmore like weak people who cannot defend themselves if ever they encounter bad peopleㅡbut that'...