13

29 3 0
                                    

Chapter 13

Teri

"Ano?" Singhal ko. Talaga ba naman itong tatlo, hinarangan ang daan ko.

"Baka akalain mong hindi namin napapansin. Saka nakikita ka rin namin, hoy!"

Tinampal ko ang daliri ni Damien na nakaturo sa pagmumukha ko. "Putulin ko daliri mo eh! Ano nga?" Eh hindi ko alam kung anong pinagsasabi nila.

"Kayo na?" Napatanga ako.

"What? Mga tangina! Pwede bang deretsahan niyo?"

"Sus, wag kami uy! Nakikita namin kayo na palaging magkasama. So ano, kayo na ba?" Ngumisi pa si Laxon.

"Crazy as fvck!" I murmured saka nilagpasan ko sila.

"Hoy! Aba, ano yun, low-key?" Sumunod sila sakin.

"Hindi kami, okay? Kaya tantanan niyo ako. Wag din kayong lumalapit sa kanya."

"Possessive sa hindi kanya." Bulong ni Blunt na rinig ko kaya binatukan ko siya.

"Ikaw! Subukan mong lumapit sa kanya, makakatikim ka sakin."

"You don't get to decide." Blunt smirked at me.

"Tangina mo!" Pinakyuhan ko siya.

"Hay, iba talaga pag inlove. Magiging ichapwera na ang kaibigan." Pagpaparinig ni Damien. I am surrounded by the bunch of morons!

"Umamin ka na. Malay mo yun lang ang hinihintay niya."

"Tsk. Sinubukan kong kunin ang loob niya, okay? Kaya wag kayong magulo." Sabi ko nalang.

"Ayt. Kaya pala. Oh mga tol, wag nating guluhin ha? Let's support our dear friend. Kakailanganin niya ang moral support natin." Anunsyo ni Laxon.

"Oo naman, yes!" Segunda ng dalawa.

Iniwan ko sila sa hallway. Nagmomoment ako kanina eh. Iniisip ko parin ang nangyari kahapon. Hindi ko akalain na pasasakayin niya ako sa kanyaㅡI mean, sa kanyang motor. Tapos, nakayakap pa ako sa kanya. Hay, Thana. Tsk. Tsk. Ano bang ginawa mo sa'kin? Binabaliw mo ako.

Ngingiti akong tinungo ang engineering building. Hindi pinansin ang mga babaeng nagpapapansin. Nag-effort pa kayo. May crush natong puso ko. Mwehehe..

Nally

"Meeting room, now!" Rinig kong anunsyo ni Arwyn pagkapasok ko palang sa jughouse.

Nagtaka ako kaya agad akong tumungo sa meeting room. "What is it, sir?" Tanong ko agad.

Lahat ng agents ay nagtipon-tipon. "Change of mission." Tipid na sagot ni Sir Abel. "Someone reported us this morning. Please speak, sir." At doon ko lang napansin ang isang lalaking may katandaan na at mugto ang mata halatang kagagaling lang sa iyak.

"Kagabi habang naghahanda kami para sa simpleng selebrasyon ng birthday ng anak ko, may lumusob sa bahay namin. Nakamaskara at balot na balot. Kinarga nila ang anak kong babae at b-binaril ang asawa ko sa dibdib kaya n-namatay yung asawa ko." Pumiyok ang boses niya at napahikbi. Dinaluhan at binigyan naman siya ni sir Abel ng tubig. "Nagmamakaawa ako sa inyo, tulungan niyo akong mahanap sila. Mga hayop sila dahil pinatay nila ang p-pamilya ko. Parang awa po, t-tulungan niyo ako." Kusa akong naglakad at inalalayan ang matanda saka pinaupo.

"Wag kayong mag-alala tutulungan namin kayo. Nabuhay ang organisasyon namin dahil ang tumulong sa mga taong nangangailangan ang layunin namin. Maaasahan niyo po kami." Bahagyang tumango at naging kalmado ang matanda. "May maibibigay po ba kayong impormasyon tungkol sa mga taong yun? Kahit anong napansin niyo sa kanila."

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon