Chapter 26
Teri
Nag-aabang ako ngayon kay Thana dito sa parking sa university. Kinakabahan ako at excited kasi gusto ko siyang makita ngayon. Mamamyang hapon na kami aalis at gusto ko munang makita si Thana kahit saglit lang.
Napatayo ako nang marinig ang ingay ng isang motorbike at pumasok ito sa parking lot. Kahit may helmet, kilalang-kilala ko siya at talagang gusto ko siyang yakapin ngayon.
Naipark na niya ang motor at tinanggal ang helmet sa ulo niya. Hindi pa niya ako napansin at dahan-dahan lang akong naglakad papalapit sa kanya. "Thana.." Kita kong napatigil siya at kalauna'y nagpatuloy din sa pagkabit ng helmet niya sa manobela.
Nang maayos na niyang naikabit, diretso siyang naglakad at nilampasan ako na para bang wala ako doon. Sumakit ang puso ko sa iniasta niya pero di ako nagpatinag. Sumunod ako at sinabayan siya sa paglalakad. "Thana, k-kumusta?" Napapikit ako sa sinabi ko. Fvck! Tahimik pa rin siya at walang balak na pansinin o sagutin ako. "Thanaㅡ"
"Anong mahirap intindihan sa sinabi kong wag ka nang lumapit sakin?" Napalunok ako sa uri tono ng boses niya.
"Kasi naman..." Wala akong mahanap na salita dahil sa kaba. Nagalit ko siya!
"Daddy mo ang pinupuntirya ko, lumalapit ka pa rin sakin? Baka gusto mong gawin kitang bihag nang sa ganun ay susuko nang suko ang walanghiyang ama mo?" Napailing ako. I tried holding her hand pero inilayo niya iyon.
"G-Gusto lang naman kitang makita ngayon kasi a-aalis kami mamaya sa Probinsya. Na-miss rin kita." Mahinang usal ko.
Tumawa siya na ikinabigla ko. Tawa ng isang sarkastik na tawa. "Sinong niloloko mo? Manloloko! Sinungaling! Na-miss, amputa!" Aniya kaya nagtaka ako.
"Ano bang sinasabi moㅡ" Di ko na natuloy ang sasabihin ko nang sampalin niya ako ng sobrang lakas. Napabaling ang mukha ko sa kaliwa dahil sa sampal niya.
"You better talk to my hand, asshole!" Aniya saka nagsimulang maglakad. Nataranta ako at agad na hinabol siya. I grabbed her hand and hugged her. Masakit ang sampal niya pero mas masakit ang nararamdaman ng puso ko ngayon. "Ano ba?" Sigaw niya habang sinubukang makawala sakin. Tila nandidiri.
"Thana, wag naman ganito, please! K-Kahit saglit lang..." Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.
Nagulat nalang ako nang marinig ko ang mahihinang halinghing niya. "Teri, nagmamakaawa ako sa'yo. A-Ayoko nito, ayokong masaktan kaya please lang wag ka nang magpapakita sakin."
"I'm sorry, I'm sorry, I won't hurt you, Thana. Hinding-hindi ko gagawin yun. Sshhh!" Alo ko sa kanya.
She laughed a bit. "Ginawa mo na nga eh. Nasaktan mo na ako. Hindi naging tayp pero nasasaktan mo pa rin ako ng ganito." She weakly said. Kinabahan ako sa sinabi niya. At kahit malabong mangyari, naiisip kong tungkol doon kay Angel ang pinagsasabi niya. "Pinagsisisihan kong nakilala kita pero mas pinagsisihan ko nung hinayaan kitang makapasok sa buhay ko. Tama na, Teri, tama na." Tila nanghihina niyang saad saka kumalas sakin at dahan-dahang naglakad papalayo.
Napaluhod ako habang nakatitig sa kanya. Ayaw matigil ng luha ko sa pagragasa. Bakit ba ganito? Am I not allowed to be happy? Hindi ko ba deserve maging masaya kahit panandalian man lang.
Napayuko ako sa lupa at inilabas lahat ng luha ko. "Teri?" Humihikbi pa rin ako nang marinig ko ang boses ni Blunt. "Fvcking hell, what happened?" He tried to lift me up at pinaupo ako sa sementong upuan. "Tss! You're a mess, dude!"
Maya-maya pa'y dumating ang dalawa. "Anong nangyari sa kanya?" Rinig kong tanong ni Laxon.
"I don't know. Naglalakad lang ako ay nakita ko siya na nakasalampak na sa lupa." Blunt said.
BINABASA MO ANG
She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2
Action[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #2 Thanalia Alvino also known as "Nally '' is part of an organization. She joined an organization to help other peopleㅡmore like weak people who cannot defend themselves if ever they encounter bad peopleㅡbut that'...