Chapter 02
Teri
Hanggang sa paghiga ko, hindi ko pa rin maalis sa isipan ang nasaksihan ko kanina. Parang.. parang hindi ako makapaniwala.
Pauwi na ako kanina nang makita ko or should I say madaanan ang isang eksenang hindi ko inaasahang masasaksihan ko.
Yung babae kasi kaninaㅡyung di-nare sakin ni Laxon, nakita ko lang namang ibinalibag ang isang malaking lalaki sa pader ng isang bahay kung san sila naroroon.
Hanggang sa nagbakbakan sila mismo sa harapan ko. Malinaw na malinaw sakin ang nangyari at hindi din ako namamalikmata lang. She really is something..
Tantya ko, mga magnanakaw yung mga malaking lalaki dahil bukod sa naka-mask sila, may mga bagay din na halatang mamahalin ang nasa labas ng bahay na handa ng itakas. Bat ba siya napunta dun? Napadaan din ba siya kagaya ko?
Actually, nung nakita kong sinipa ng isa sa mga lalaki ang likod niya, susugod sana akoㅡlumabas agad ako ng kotse ko pero napahinto ako ng makita ko kung anong ginawa niya. Sinapak lang naman niya yun ng walang kahirap-hirap.
Kaya, nanood nalang ako. Habang nagrarambulan silang lahat, nakatutok lang ako sa kanya. Hindi ko maalis sa kanya ang tingin ko. Halatang sanay na sanay siya sa ganung labanan. Sino ba talaga siya? Parang.. natatakot tuloy ako sa kanya. Oo, marunong din akong makipaglaban pero ewan ko, parang mas nakakatakot siya. Geez! Ano ba tong iniisip ko?
Nabalik nalang ako sa ulirat ng may narinig akong mga ugong ng sasakyan. Napakurap-kurap ako ng makita ang mga pulis na hinuli na ang mga magnanakaw.
Napakunot-noo pa ako ng may nakita akong isang pulis na lumapit sa kanya. Tsk. Hindi ko pala alam pangalan niya. Nakita kong ginamot ang pisngi niya. At mas naklaro Kong bata pa yung pulis at saka may itsura.
-_-
Bumuntong-hininga ako at umayos ng upo. "Bat ba ako andito? Tsk!" Pinaandar ko ang kotse saka pinausad pauwi.
Kaya hanggang ngayon, hindi parin ako makatulog. "Anong oras na ba?" Tiningnan ko ang wall clock sa gilid at nanlaki ang mata ko nang makita kong ala una na ng madaling araw. Sht! Ganun katagal ako nagkwento sa inyo?
Pinilit ko lang ang sarili kong matulog hanggang sa nakatulog na nga.
Nally
"Insan, ikaw daw nakakita sa mga magnanakaw kahapon?" Tanong sakin ni Zares pagkababa ko ng hagdan. Sasagot na sana ako ng magsalita na naman siya. "Sana tinawagan mo ako, pano nalang kung may nangyaring masama sayo?"
Napaface-palm nalang ako. Ako lang ang kaisa-isang pinsan ni Zares kaya naman naiintindihan ko kung protective siya sakin.
"Grabe ka insan, andito nga ako ohㅡbuong buo." Dumiretso kami sa dining at umupo. "Ano pa ang silbi ng paghinto ko sa pag-aaral ng isang taon para magsanay kung hindi ko lang naman din gagamitin?"
"Hayst, pinsan nga kita." Umiling-iling pa siya. "Anyways, madedelay ang pag-uwi nila mom and dad so, tayo parin talaga ang magkakasama dito sa bahay."
"Para namang hindi ka na nasanay. Nga pala, kumusta naman ang misyon niyo? Diba, kunyareng pinapaaral niyo si Daren para sa misyon niyo?" Tanong ko.
Bumuntong-hininga siya. "About that, inutusan ako ni tito Raymond na puntahan siya sa university na pinapasokan niya. Nakita ko kasi siya kanina na may ka-date na babae. Sabi niya, new friend niya raw. Tsk. Tsk. Baka hindi na niya ginagawa ang pinapagawa sa kanya."
BINABASA MO ANG
She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2
Action[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #2 Thanalia Alvino also known as "Nally '' is part of an organization. She joined an organization to help other peopleㅡmore like weak people who cannot defend themselves if ever they encounter bad peopleㅡbut that'...