19

21 4 0
                                    

Chapter 19

Teri

Nanonood ako ng balita ngayon at nakaagaw pansin sakin ang ibinalitang may katawan ng isang babae sa gilid ng isang sapa. Zinoom in ng cameraman pagkatutok sa babae at ganun nalang ang pagkatigil ng hininga ko nang makilala ko ang mukha niya. H-Hindi! Hindi siya yan! Hindi lang klaro sa screen kaya mukhang siya pero hindi si Thana yan!

Nanginginig ang kamay ko at kinuha ang cellphone ko. Tinawagan ko ang pwedeng makasagot sakin. ["Hello?"]

"Please tell me hindi siya yung nasa balita ngayon?" Pagmakaawa ko agad. Narinig ko si Zares na bumuntong-hininga. Na parang nagpapahiwatig na tama ang hinala ko. "Where is she? Where's Thana? Nandyan lang siya ngayon, right? Answer me, damn it!"

["Woah! Woah! Did you just curse at me? Did you just curse your lovers one and only cousin?"]

"Zares naman! Sabihin mo kung nasaan ang pinsan mo!"

["Okay, chill! She's in the hospital right now. She's in a coma."] Mahinang tugon ni Zares sa kabilang linya. ["But don't worry though, the doctore told us just a one week coma."]

"Anong just one week? Saang ospital?" Takot na takot ako at nanginginig pa ang mga kamay ko pati ang labi ko dahil hindi napigilan ng sarili kong mapaiyak.

["I'm sure Nally doesn't want you to know but yeah, I'll text it nalang."]

Nang matanggap ko ang text na address ni Zares, agad kong pinausad ang sasakyan ko patungo roon na halos paliparin ko na sa sobrang bilis.

***

Mas lalo akong napaiyak nang makita si Thana na nakaratay sa higaan dito sa ospital. Ang dami niyang sugat dahil sa dami ng mga benda sa kung saang-saang parte ng katawan niya. Matiwasay lang siyang natutulog na akala mo walang nangyari sa kanya.

Umupo ako hinawakan ang kamay niya. "T-Thana..." I don't know what to say at that moment. I just want her to feel my presence. To know that I'm here for her no matter what happen. "Anong n-nangyari sa kanya?" Mahinang tanong ko kay Zares. Kaming dalawa lang ang andito bukod kay Thana kaya siya lang mapagtanungan ko.

Third Person's POV

"Someone tried to kidnap her." Pagsisinungaling ni Zares dahil alam niyang bawal malaman ni Teri na isang agent si Nally. He can't know the truth. "Ang sinasakyan nila ay sumalpok sa isang puno kaya nahulog si Nally sa pangpang."

"S-Sino ang gumawa nito?" Umiiyak slash galit na sambit ni Teri habang hinahawakan ng mahigpit ang kamay ni Nally. "Nakulong na ba?"

"Unfortunately, they escaped. Pinaghahanap na sila ngayon." Humihikbi parin si Teri at nakaramdam naman ng awa si Zares habang pinagmamasdan niya ang dalawa. Talaga ngang nakahanap na ang pinsan ko ng totoong magmamahal sa kanya. He smiled at that thought. And at that moment, nagustuhan niya si Teri para sa kanyang pinsan. "I'll just buy something to eat."

Lumabas na si Zares at naiwan si Teri kay Nally.

Teri

"Thana naman eh! Ayokong nakikita ka jan, please bangon na." Hindi naman ako iyakin pero pagdating sa kanya sobrang emosyonal ako. "Magpagaling ka ha? Tapos gigising ka na. Andito lang ako. Hindi ako aalis, hindi kita iiwan." Titig ako sa mukha niya na kahit maraming benda ang ulo at mukha niya, nakikita ko parin ang kagandahan niya. "Sisikapin kong madakip ang mga taong gumawa nito sa'yo. I'll do anything to put them behind bars." I kissed her hands.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsara. "Kain ka muna." Sabi ni Zares at may inilapag sa mesa. "Don't worry too much, pinaghahanap na ang gumawa nito sa kanya."

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon