Chapter 21
Nally
"Nally!" Napatigil ako sa paglalakad nang namataan ko si Dwight na patakbong lumapit sakin. Nginitian niya ako. "Kumusta? Madalang nalang tayo nag-uusap ah."
"Ayos lang naman."
"Maayos na ba talaga ang pakiramdam mo?" Tanong niya ulit kaya tumango ako. "Alam kong hindi ko to dapat itanong pero may relasyon ba kayo ng lalaking yun, Nally?"
"Hindi ko naman siguro kailangang sagutin yan, diba?" Walang emosyon akong nakatitig sa kanya.
"I know, it's just that, sinasabi kasi niya na may namagitan daw sa inyo. Gusto ko lang malaman kung totoo ba ang sinabi niya." Natahimik siya pero kalauna'y tumawa. "He's just made that up, right? Alam kong wala pa sa isip mong makipagrelasyon kaya paniguradong nagsisinungaling lang yung lalaking yun." Aniya pa.
"Isipin mo kung anong gusto mong isipin. Mauna na ako."
"Wait, hatid na kita? Papunta ka bang university?" Dahil di ko dala ang sasakyan o motor ko, pumayag nalang akong ihatid niya.
Tahimik lang kaming nasa sasakyan papuntang university hanggang sa nagsalita ulit siya. "Sana, sana hindi maging dahilan ang lalaking yun para magkaiwasan tayo. Alam ko namang malapit na kayong dalawa sa isa't isa dahil palagi ko na kayong nakikitang magkasama. Sana, sana magkaibigan parin tayo, Nally." Marahang usal niya sabay sulyap sakin.
"Ano bang sinasabi mo jan? Wala namang makapagpabago sa pagkakaibigan natin." Sabi ko nalang nang sa ganun ay hindi bumigat ang atmospera.
He smiled. "Thank you." Namalayan ko nalang na nakahinto na pala ang kotse niya. Lumabas ako. "Salamat sa paghatid, Dwight. Ingat." Tinanguan lang ako ni Dwight saka siya humarurot paalis.
Napabuntong-hininga ako saka humarap sa gate ngunit napatigil agad ako nang may mukhang nakabusangot ang tumambad sakin. "Tsk. Kaya ba ayaw mong magpahatid dahil siya ang gusto mong maghatid sa'yo?" Tila nasasaktan niyang turan. More like nagdadrama. Teri moments again.
"May dinaanan ako kaya hindi na ako nagpahatid sa'yo baka ma-late ka pa. Atsaka hindi ko inaasahang magkita kami ni Dwight at nag-insist siya kaya ayun." Simpleng saad ko. Oo na, nagpapaliwanag na ako kahit hindi naman dapat. Ewan ko ba, ayokong nag-iisip siya ng di maganda samin ni Dwight.
Tumango-tango siya. "Okay I trust you." Aniya saka ngumiti ng sincere kaya nanigas ako sa kinatatayuan.
I looked up to him. Dapat mo ba talaga akong pagkatiwalaan, Teri? Kasi hindi ko na alam sa sarili ko kung tama ba tong plano ko... plano sa'yo.
I shrugged that thought off saka pumasok ng gate. Agad din naman siyang sumabay. "Oh, banana milk yan."
"Thanks." Sabi ko kaya lumawak ang ngiti niya.
"Ganda mo talaga." He pinched both of my cheek. Napaiwas ako ng tingin dahil nag-iinit ang pisngi ko bigla. "Thana..." Tawag niya sa atensyon ko. "Thana..."
"Hmm?" Unconsciously, I turned to him. Kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti. "Ano nga? Bakit panay tawag ka sa pangalan ko?"
"Are you blushing?" Aniya kaya napaiwas ulit ako ng tingin. "Is my Thana blushing? Ayiiee! Kinilig siya."
"S-Stop it! Hindi ako nagba-blush, umayos ka!" Singhal ko pero mas lalo lang nag-iinit ang pisngi ko.
"Naks, improving hehehe. I still can remember how you hated to be called Thana. Ngayon hindi ka na nagrereklamo. Ugh! I feel so special." Hinimas-himas pa niya ang kaliwang dibdib niya para bang hinihimas niya ang puso niya.
BINABASA MO ANG
She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2
Ação[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #2 Thanalia Alvino also known as "Nally '' is part of an organization. She joined an organization to help other peopleㅡmore like weak people who cannot defend themselves if ever they encounter bad peopleㅡbut that'...