9

30 4 0
                                    

Chapter 9

Nally

Nakatulala ako sa kawalan habang inalala ang taong yun. Paano ko ba 'yon mahahanap?

"Coffee." Inilapag ni Zares sa harapan ko ang kape bago tumabi sakin. "Let's just wait. I'm sure susulpot ulit yun nang hindi natin inaasahan."

"Sana nga, Insan. Kating-kati na akong mahigante sila mom and dad at makamit ang hustisya."

"Ako rin, Insan. Kaya wag kang magdadalawang-isip na humingi ng tulong sakin. Kahit pa busy ako, tutulong at tutulong parin ako." Sabi ng pinsan ko kaya ngumiti ako.

"Maraming salamat, Zares. Pasensya na rin kung makikisabay ako sa'yo."

"Ano ka ba, Nally, no worries. Para saan pa't pinsan kita?"

Napabuntong-hininga ako at ininom ang kape. "Sa veranda lang ako." Nakikituloy din kasi ako dito sa resthouse ni Sir Raymond dahil umuwi na lahat ng mga kasama ko pati si Dwight. Tinawagan nga ako ni Sir Abel kanina kung bakit hindi pa ako bumalik kaya ayun, todo palusot ako. Sinabihan niya lang ako na dapat bukas makabalik na akong Maynila dahil may ipapagawa siya. Kaya kailangan ngayong araw makita ko yung taong may tattoo na nakita ko kahapon.

Sumimsim lang ako sa kape ko habang nakatanaw sa magandang tanawin. I somehow feel relaxed. I won't deny I needed a break like this. A beautiful view of the sea and fresh air like this.

Agad napatigil sa isang partikular na tao ang tingin ko dahil nakatingin din siya sakin. Anak ka ngㅡ bakit siya nandyan?

Nasa isang veranda din kasi siya sa medyo di kalayuang resthouse at direktang nakatitig sakin. "What the hell are you staring at?" Kahit mahina lang ang boses ko alam kong naririnig niya yun dahil sa diin ng tono ko na nakapagpaangat ng sulok ng labi niya.

"Assumera ka! Di ikaw tinitignan ko, hoy!" Inirapan pa ako ng walanghiya! Napanganga ako sa iniakto niya.

"Psh! Bakla!" Mahinang sabi ko or more likely, parang bulong ko lang yun sa hangin pero narinig niya padin.

"Hoy, rinig ko yun ah! Anong bakla? Patunayan ko pa sayo eh!" Nanlalaki ang mata niyang sabi at may defensive na tono.

"Terisito! Naku, lumalandi ka na naman! Ikaw ah, palihim ka!" May dumating na isa sa mga kaibigan niya na nginisihan pa ako.

Uminit ang ihip ng hangin kaya sinamaan ko sila ng tingin saka padabog na bumalik sa loob. "Peste!"

"Hoy! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Thana! Bumalik ka!" Rinig ko pang sigaw niya.

Nakakahiya talaga ang bwisit na yun. Ang lakas ng bunganga! Argh!

Inaya akong kumain ni Zares sa isang malapit lang na restaurant. "Kumusta nga pala ang pagiging estudyante ni Daren? Diba nahuli na niya ang nanloob sa hideout niyo?" Tanong ko na tinanguan lang ng pinsan kong kumakain.

"Titigil na si Daren sa pagpasok sa University, wala na rin namang saysay."

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa may dumating na maiingay. Mariin ang pagpikit ng mata ko kasabay ng malalim na buntong-hininga. Sa dinami-dami ng restaurant, bakit dito pa? At kahit hindi ko sila tinitignan, ramdam na ramdam ko ang titig ng isa sa kanila.

Nilingon ko ang damuho at sinamaan ng tingin but he just smirked at me bago sumunod sa mga kaibigan niya.

"What's wrong?" Siguro nakita ni Zares ang masama kong tingin sa bandang likuran niya kaya lumingon din siya at nagtatakang tiningnan ako.

"Nothing." Kahit nagtataka parin si Zares ay di nalang siya nagsalita.

Nagpatuloy nalang din ako sa pagkain ng tahimik. At nang matapos kami, agad-agad akong lumabas ng restaurant dahil sa naramdamang titig na naman. Argh! I don't like this feeling! Putanginang lalaking yun, kung nasaan ako, sulpot naman siya ng sulpot! Hah! Talagang tinotohanan niya ang sinabi niyang hindi niya ako tatantanan matapos kong sagutin ang letseng tanong niya! Peste!

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon