7

30 5 0
                                    

Chapter 07

Nally

Andito na naman kami ngayon sa coffee shop. Habang nagdaldalan ang mga kasama ko, ako naman napaisip lang tungkol sa sinabi nung lalaki kahapon. Iisa lang ang hinahanap namin kaya naman, tutulungan ko nalang siyang makaganti para sa pamilya niya sa pamamagitan ng paghahanap sa taong yun para magbayad.

Malalim akong napabuntong-hininga. Kahit pa may pumasok na grupo ng mga kalalakihan na sobrang ingay ay hindi pa rin ako natinag sa pag-iisip.

"What are you thinking?" Mahinang bulong ni Dwight. Wala pa kasi akong pinagsasabihan tungkol sa nalaman ko kahapon. Tiningnan ko lang si Dwight at umiling.

"Hi!" Biglang may sumulpot sa gitna namin ni Dwight na isang itlog.

Nangunot ang noo ko ng makita ko na naman siya na nakangiting parang tanga. Oo nga pala, sa ilang linggo ko tong nakilala di ko parin nalaman pangalan niya. Papakulam ko sana para magtigil na siya kakapeste sakin!

"Anong pangalan mo?" Biglang tanong ko na ikinatigil niya. Nakita ko rin si Dwight na nanigas sa kinauupuan niya.

"So you're now interested of me?" Ngumisi siya at biglang nagtaas-baba ang kilay. I just shrugged so that he can give me his name. "Hi, Thana. It's Teri." Inilahad pa niya ang kamay niya.

Dinedma ko yun at humarap sa coffee ko. "Teri. Ngayon may masasabi na akong pangalan sa mangkukulam para ipakulam ka!" I smiled sarcastically.

Nabura ang magandang ngiti ni Teri. Hah! Kala mo ah! Narinig ko ring natawa si Dwight pati ang iba naming kasama. "Nice one!" Ani Dwight.

"Tss! Di naman totoo ang mangkukulam!" Rinig kong asik ni Teri. At uminom sa kape niya.

Makapal talaga ang mukha ng hayup na to. Hindi man lang nahiya na siya lang ang naiiba sa grupo namin.

"Hoy!" Biglang may humila kay Teri sa kwelyo niya kaya napatayo siya. "'Nung ginagawa mo jan? Dun table natin." Nakita ko ang isa sa mga kaibigan niya na napatingin sakin. Nanlaki ang mata niya habang hawak parin ang kwelyo ni Teri. "Gagu! Ke-aga-aga, lumalandi ka na agad!"

"Ulol!" Padabog na tumayo si Teri at nagmiddle finger pa sa kaibigan niya. Bastos talaga ang bwisit nato!

"Terisito, bilis! Ang kupad talaga!" Narinig ko pang sigaw ng isa sa Kasama niya. Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa narinig. T-Terisito? What an ugly name!

Nakita kong nalukot at namula ang mukha ni Teri dahil siguro sa pagsambit sa full name niya. "Ow, marunong ka palang tumawa." Bigla niyang sabi kaya napa-face palm nalang ako.

"Pakyu! Umalis ka na nga jan!" Bahagya ko pang sinipa ang pwetan niya kaya ayun muntik nasubsob sa katabing mesa.

He glared at me kaya naman hinila ko palapit sakin si Dwight para matakpan siya.

Nagpatuloy kami sa ginagawa. "Dwight, wala ka bang ginagawa?" Napapansin ko kasi na halos sa amin siya sumasama parang walang kasong inaatupag.

Nagkibit-balikat siya. "May kaso kami ngayon pero kaya na yun sa mga tao ko." He smiled. Sa tagal kong nakilala si Dwight, hindi ko pa siya nakikitang nagalit. Pala-ngiti kasi siyang tao at mahaba ang pasensya. Kahit na maraming mga tao niya ang minsay pumapalpak, hindi niya kailanman sinigawan, tamang pakiusap lang.

Tumango nalang ako sa sinabi niya.

Teri

Kahit dada ng dada ang ulupong na si Damien, wala pa rin sa kanya ang atensyon ko. Nakatingin lang ako sa dalawang taong nasa harapan lang ng pwesto namin.

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon