28

14 3 0
                                    

Chapter 28

Teri

Tulala lang ako dito sa loob ng kwarto ko sa ospital. Di ko alam kung paano ako nakaligtas at sino ang may gawa nang pagkakaligtas sakin gayong sigurado akong imahinasyon ko lang nun na nakita ko si Thana sa ilalim ng tubig at niyakap ako. Imahinasyon ko nga lang ba yun?

Napahawak ako sa ulo ko. Sumagi na naman sa isip ko ang nalaman ko tungkol kay Thana.

"Anak, anong alam mo tungkol kay Nally?" Nabigla ako sa tanong ni daddy.

"Dad? Bakit feeling ko may kakaiba sa tanong mo?"

"I guess, you really don't her that much." Napanguso ako dahil totoo iyon. Does that matter? "I've been very busy these days kasi pinaimbistiga ko si Nally na alam kong hindi tama pero kasi sobrang nakapagtataka lang noong tinutukan niya ako ng baril at pinagbibintangan niya akong mamamatay-tao." Wika ni dad kaya nanigas ako sa kinauupuan.

"A-Ano pong nalaman niyo tungkol sa kanya?" Kinabahan ako bigla at nautal.

"Teri, Nally is an agent. And their mission is to capture bad people. At dahil napagbintangan niya ako, alam kong isa sa misyon niya ay ang hanapin ang kamukha kong nakilala niyang mamamatay-tao." Seryosong usal ni daddy.

"Dad? Teka, ibig mong sabihin yung kambal mong doctor sa ibang bansa ang hinahanap nilang mamamatay-tao? Kasi sinabi mo sa akin noon na nagpakamatay ang isa niyong kambal. Does that mean, yung doctor nga kasi imposible namang kayo?"

"Nope! Galit man sa amin si Regel, hindi niya magagawa ang bagay na iyon." Dad paused as if he remembered something. "We didn't saw his body..." I heard dad murmured at hindi ko mapigilang nagtaka dahil hindi ko naintindihan. "Shit! Posibleng buhay siya! Nabalitaan lang namin ang pagpapakamatay ni Remel pero hindi namin nakita ang katawan niya dahil ayaw ipabukas ang casket ng kabaong niya." Nagulat ako sa narinig. Ibig sabihin, posibleng siyaㅡsi Remel ang tinutukoy ni Thana? "Kailangang may gawin ako. Baka ginagawa niya ang lahat ng ito para maghigante sa akin?"

"Dad, I'm here. Hindi kita hahayaang mag-isa. Let's capture him together." For my family and for Thana.

Umiling si daddy. "Ayokong mapahamak ka, kayoㅡ"

"Dad, please! I trained well abroad remember?" When my biological dad and mom got annulled, me and my cousin Ace went abroad to train various martial arts. At alam kong sapat na yung natutunan ko upang gamitin ngayon para sa kaligtasan ng pamilya ko at maghigante ang pamilya ni Thana. This is the least I can do for her.

"Oh my god, Terisito! I almost got a heart attack!" Mom cried as she hugged me.

"Mom, I'm fine. Don't cry please."

"Paano akong hindi maiiyak? Pinag-alala mo ako ng sobra! Nabalitaan naming sinubukan kang iligtas ni Nally pero di kinaya ng katawan niyang iahon ka kaya it ended up someone saved both of you." Napalingon ako kay mom sa narinig.

"Thana tried to save me?" Mahinang tanong ko tila di makapaniwala.

"Yes, Teri. It turned out na kinipnap sila Thana at yung kasama niyang lalaki at nang makatakas sila, kahit nanghihina si Nally ay agad siyang tumalon da tulay nang makita niyang nahulog ka. May nakapag-video pa nga." Ibig sabihin, hindi imahanisyon yung nakita ko. Totoo yun!

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon