17

26 3 0
                                    

Chapter 17

Teri

Nasa starbucks ako ngayon at umiinom ng milk tea. Ako lang mag-isa dahil hindi ko muna gusto nang may maingay at alam niyo naman ang tatlong iyon ang iingay. Parang hindi nagkita ng sampung taon, hindi nauubusan ng mga chismis!

Bitbit ang milk tea, lumabas ako at tinungo ang kotseng nakaparada sa parking. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko nang may narinig ako na parang boses ng babae.

"K-Kuya! Psssttt! Sa kanan po!" Nangunot ang noo ko at lumingon sa kanang gawi. Bumungad sakin ang isang van na tinted ang salamin ng bintana kaya hindi ko maaninag ang nasa loob. "Please h-help me, Kuya!" A girl with a weak voice tried to raise her voice.

Dahil sa pagtataka, lumapit ako at tinitigan ang salamin ng bintana ng van. Nanlaki pa ang mata ko nang may flashlight ng cellphone akong naaninag.

"Hey, are you there? Who are you?" Tanong ko agad.

I know she can't hear me well kasi nga tinted ang salamin kaya sinubukan kong mas lumapit ngunit bigla nalang may isang lalaking palapit dahil sa lakas ng boses at may kausap sa phone.

Sinenyasan ko ang babae na wag mag-aalala at tutulungan ko siya bago ako bumalik sa kotse ko saka tinaas ang salamin. Buti nalang itong tinted ang nadala ko kaya hindi ako makikita nang lalaki na pasulyap-sulyap ako sa van nila.

Nang umandar yung van at pinausad, naghintay muna ako ng isang minuto bago sumunod. Fvck! Nakidnap ba yung babae? Baka naman trap lang to! Hays, bahala na!

Medyo may distanya ang pagitan namin at talagang tutok ang mata ko sa van dahil ayokong malingat at mawala sa paningin ko.

Nang makadaan kami sa masukal na gubat ay mas binagalan ko ang pagpapatakbo, yung halos hindi ko na makita ang van dahil sa layo ng pagitan namin. Dahil baka maghinala sila na sinundan ko sila lalo pa't walang ibang sasakyan kaming kasabay.

Hindi kalaunan ay biglang huminto ang van. Shit! Nakita ba nila ako? Huminto din ako at lalabas na sana dahil wala ng silbi pa kung nakita na nila ako. Ngunit ganun nalang ang pagkagulat ko nang makita ko yung driver ng van na tumalsik sa gilid. Saka ko rin napagtanto na ang daming tauhan pala ang sakay sa van na sa tingin ko ay parehas lumabas kanina kaya nakahingi ng tulong yung babae sakin.

I'm glad may nakatulong na sa kanya. Dahil wala naman na akong silbi dun, napagpasyahan kong umalis. Kakabigin ko na sana ang manibela nang makita ko si Dwight. Biglang kumabog ang dibdib ko. Ibig sabihin...

"Damn it!" Pinausad at pinalapit ko ang sasakyan ko saka daling lumabas. Nasagot ang katanungan sa isip ko nang tuluyan ko nang nakaharap ang mga taong nagbabakbakan. T-Thana... Sila lang dalawa ni Dwight versus sa mga tauhang sakay ng van. Mga sampu ata sila!

Hindi pa nila ako nakikita at ako ay kitang-kita ko kung gaano ka seryoso at dilim ang mukha ni Thana habang sinisikmuraan niya ang isang lalaki. Bakit ba ang cool niya?

Imbis na tumulong, natulala nalang ako at hinangaan siya. Hindi ako nagkamali ng babaeng nagustuhan. Tila para akong isang baliw na ngingisi lang dun habang nanonood.

Napakurap-kurap nalang ako nang may tumawag sa pangalan ko. Bukod sa mga kaibigan ko, siya lang din ang tumawag sakin gamit ang full name ko.

"Terisito, ano ba!" Sigaw niya. Nanlaki ang mata ko nang may patakbong lalaking papunta sa gawi ko at nagpanic ako bigla. Shit! Bakit ba ako nataranta? Putangina naman!

Sa isang iglap nahawakan ako ni Thana at sinipa ang lalaki. "Ano ba? Wala ka ba talagang balak kumilos? Ipapatay nalang kaya kita?" Hinila niya ako at dinala sa isang sasakyan. Sasakyan ata nila. "Dito ka lang, naiintindihan mo? At kapag sinuway mo ako, sinasabi ko sayo Teri!" Parang bata naman akong tumango-tango sa sinabi niya. Kahit pa may sasakyan ako, di ko magawang sabihin sa kanya yun. Parang mas gusto ko itong nandito ako sa sasakyan niya hehe.

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon