Chapter 25
Teri
"Hoy, ano bang problema mo? Bigla-bigla ka nalang nagyayang uminom. Gago, nagbago na ako tol!" Damien hissed pero di ko pinansin. Inaya ko nga sila na uminom dito sa Night Bar.
"Shit, you're crying?" Blunt stated kaya iniwas ko ang mukha ko at pinahid ang luha. Tsk!
"Teri, what's wrong?" Seryosong tanong ni Laxon. They saw me in this state so instantly they became serious.
"Tell me the truth, may mali ba sakin? Bakit lahat nalang iniiwan ako?" I know lasing na ako dahil nagiging blurry na ang paningin ko but I couldn't care less. Ang gusto ko ay mailabas itong sakit na paulit-ulit tumusok sa puso ko matapos ang usapan namin kanina ni Thana.
"What do you mean? Iniwan ka ng babae mo? Diba gusto ka rin niya kasi nga pinayagan ka niyang manligaw ka sa kanya?" Ani Damien tila nalilito.
"She fvcking agreed for me court her cause she's just fvcking used me!" Sabay tunggang tequila. Ngumiwi ako sa pait ng lasa at agarang sinipsip ang lemon.
"Para saan?"
"I don't know." I lied. I don't but I don't want to expose Thana's secret. It's a personal matter so I want to respect it and do not intend to spread it. She's still matters to me.
"Gago! Dahilan niya lang yun! Hala sige, tagay mga pre! Walang susuko ha hanggang magdamag na'to." Laxon sat down.
"Geez!" Tumungga na rin si Damien kaya napailing nalang si Blunt at tumungga rin.
Nauna kasi ako dito kaya nang dumating sila ay medyo hilo na ako pero kaya ko pa naman. Tonight, ayoko muna siyang isipin, gusto kong mag-aliw nang sa ganun ay kahit pansamantala lang, maranasan ko ulit noong mga panahong hindi pa ako nagmahal. Yung wala pang babaeng nakapagpabaliw sakin ng ganito.
Tumugtog ang disco music kaya tumayo ako at pumunta sa mga maraming taong nagsasayawan. "Hoy!" Rinig ko pang tawag ng mga kaibigan ko pero di ko na sila pinansin pa.
Sumayaw lang ako at kapag may mga babaeng umaaligid at humahawak sakin ay tinataboy ko. I want to have fun with myself not with other women.
Ilang minuto din yung pagsasayaw ko at kahit papano ay gumaan ang dibdib ko kaya napangiti ako. Maya-maya ay nakaramdam ako ng pagkaihi kaya dumiretso ako sa restroom.
"Ops! Sorry." Boses iyon ng isang babae dahil mabunggo niya ako at natapon sakin ang drinks na dala niya.
"It's okay." Sabi ko nalang dahil nakaramdam na ako ng pagsusuka at gusto ko nang makaabot sa restroom.
Lalampasan ko na sana ang babae nang hilahin niya ako pabalik sa harapan niya. "Teri?" Napatigil ako at napatitig dun sa babae. She's familiar to me pero di ko matandaan kung saan ko siya nakita. "Hey, it's me, Angel." Aniya at napakurap-kurap nalang ako dahil wala akong matandaang Angel na kakilala ko. "Way back highschool days, you know. I guess, you totally forgot about me, about us." Doon na nag flashback ang lahat sakin. Lahat ng pinagsamahan namin at nung panloloko niya kahit pa isang buwan lang naging kami. Well, wala nang kaso sakin yun. It was just a plain infatuation.
"Oh Angel, I'm sorry I have to go to the restroomㅡ"
"Are you mad at me, Teri?" Naging mahina ang boses niya. "I'm sorry noon sa nagawa ko. Hindi dapat kami naging masama sa'yo. You know, I was immature back then at sobrang pinagsisisihan ko yun."
"Look, Angel. It doesn't matter now, okay? Just forget about that." Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng hilo.
"Are you okay?" I felt her hand supporting me at mabilis akong lumayo. Dahil sa paglayo ko ay mas lalong gusto ko nang sumuka kaya di ko na napigilan pa at nasukahan ko siya. "Oh my gosh!" Hindi ko na alam ang sunod pang nangyari dahil nawala na ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2
Action[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #2 Thanalia Alvino also known as "Nally '' is part of an organization. She joined an organization to help other peopleㅡmore like weak people who cannot defend themselves if ever they encounter bad peopleㅡbut that'...