31

15 2 0
                                    

Chapter 31

Teri

Magaan ang pakiramdam ko nang magising ang diwa ko. Kahit nakapikit pa ako ay ramdam ko ang kasiyahan sa puso ko dahil sa nangyari kagabi.

Inunat ko ang dalawang braso ko saka tumagilid paharap kay Thana. Kinapa ko rin ang hinigaan niya ngunit awtomatik akong napamulat nang wala akong makapang katawan niya doon.

Napabalikwas ako nang bumungad sakin ang nalukot na bedsheet gawa ng pagkakahiga namin. "Thana?" Tumayo ako at nagsuot ng boxer habang tinatawag ang pangalan niya. "Thana?" Shit! Where the hell are you?

Sinuot ko ang jacket ko at daling lumabas ng kwarto. Nakita ko ang isang bouncer kaya tinanong ko siya tungkol kay Thana. "Ah o-oo ser, kaninang madaling araw pa po nakaalis." Sagot nito na nakapagpanlumo sakin. Hindi pwede...

Bumalik ako sa kwarto kung namin. Klarong-klaro pa roon ang ebidensya ng pagbigay niya sa katawan niya sakin kagabi. Sariwa pa ang dugo na naroon sa bedsheet kasing sariwa ng alaala ko sa nangyari kagabi. She gave herself to me, mag ibig sabihin yun, diba? Hindi naman siya umalis at iniwan ako, diba? Umupo lang siya sa kanila. Tama! Hindi siya umalis! Umuwi lang siya sa kanila.

Dahil sa pagmamadaling makaalis sa lugar na iyon at sabik na mapuntahan si Thana ay hindi ko na alintana ang suot ko na hindi pa naibotones ng maayos ang polo ko. Basta nalang akong lumabas at patakbong nagtungo kung saan ang sasakyan ko.

Kasama ko ang mga kaibigan ko kagabi pero wala na akong pakialam na iniwan na nila ako gayong nagkasama naman kami ni Thana kagabi.

Kagat-labi kong pinausad ang kotse ko at pinaharurot paalis. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko at labis-labis na kasiyahan ang naramdaman ko. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaganito, Thana, kaya panindigan mo. Hindi ka na makakawala sakin ngayon.

Dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko, namalayan ko nalang na andito na ako sa harap ng bahay nila Zares. Alam kong wala si Thana sa condo niya kaya etong bahay agad ni Zares ang pinuntahan ko. "Anong kailangan mo?" Bungad ni Zares sakin. Yung mukha niya, parang may nangyaring hindi maganda. "Teka, kakagising mo lang ba? Do ka pa naligo? Kaya pala ang baho mo!" Ani nito pero imbes na maasar ay tinanong ko siya agad.

"Nandyan si Thana sa loob? Pwede ba akong pumasok?" Papasok na sana ako nang harangan niya ang gate.

"Hep! Hep! Kung andito siya, magpapakita ka talaga na walang ligo at..." At lumapit siya ng bahagya saka suminghod at nandidiring lumayo. "Yuck!"

"Please, I really want to see her. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa nangyari kagabiㅡ"

"Anong nangyari kagabi?" Naging seryoso siya bigla. "Did you take advantage of my cousin?"

"No! Hindi ganun yun! Mali ang iniisip mo!" Kailangang kong magpalusot baka magalit sakin si Thana. Oo, masaya ako sa nangyari samin pero di naman ibig sabihin ipagsabi-sabi ko sa iba, lalo na sa pinsan niya. "Zares naman..."

Bigla nalang umiwas ng tingin si Zares. "Huli ka na..." Mahina nitong sambit.

"What?"

"Nakaalis na siya kaninang madaling araw." Anito kaya napahinto ako. Tila gumuho ang mundo ko sa narinig.

"A-Anong ibig mong sabihin? Anong nakaalis? Hindi naman tama ang iniisip ko diba?"

"Tama ang iniisip mo, Teri. Umalis si Nally ng bansa. Kaninang madaling araw ang flight niya. Hindi rin namin alam kung saan kasi ayaw niyang ipaalam. At bilang pinsan niya, nirerespeto ko ang desisyon niya. Wala kaming magawa kaya hindi na namin siya pinigilan."

Napakurap-kurap ako at biglang may bumara sa lalamunan ko. "B-Bakit..." Umiling-iling ako. "Hindi totoo yan! Nandyan lang siya! Ayaw niyo lang sabihin sakin!" Sinubukan ko ulit pumasok at nagtagumpay naman.

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon