1

60 5 0
                                    

Chapter 01

Nally

After 2 years..

"Insan, magtransfer ka na kaya sa school na pinapasokan ni DarenㅡI mean, yung kunyareng pinapasokan niya?" Ani Zares. Kasama kasi sa misyon nila na kunyareng mag-aral si Daren dahil nandun ang hinahanap nilang estudyante.

"Insan hindi na ako bata. Kaya ko ang sarili ko, marunong na akong makipaglaban diba?" Sabi ko. Sa loob ng dalawang taong nakalipas, hindi ko parin nahanap ang taong pumatay sa mga magulang koㅡmga kalaban namin. At sa loob ng dalawang taon, nagsanay ako at para makatulong sa mga nangangailangan ng tulong at sa mga inaapi, kagaya ng mga magulang ko.

"Okay, if you say so." 3rd year college na kasi ako sa taong to at si Zares nung nakaraang taon pa graduate.

"Pasok na ako, Insan." Paalam ko at lumabas ng bahay para pumuntang school.

Nung 21st birthday ko nung nakaraang buwan lang, ni-regalohan ako ni tito at tita ng kotse kaya mayroon na akong magagamit at masakyan papuntang school.

***

"Class dismiss!" Lumabas akong building at nagtungo agad sa canteen dahil sobrang nagugutom ako. Hindi pala ako nakapagpananghalian kanina.

Pagkatapos kong umorder agad akong umupo sa isang mesa na ang katapat ay puro kalalakihan ang umupo.

Nilantakan ko agad ang pagkain dahil gutom na talaga ako.

Napatigil lang ako nang may kumalabit sakin. Paglingon ko, isang mukha ng nakangiti ang nakita ko. Sino ba tong bwisit nato?

"Am I handsome, miss?" Aniya na kinindatan pa ako. Bigla akong nakaramdam ng parang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko dahil sa pagkakahawak niya sa braso ko. Kaya naman agad kong binaklas ang kamay niya. "Aray!"

Hindi ko siya pinansin at lumayo sa kanya saka ko siya hinarap na may masamang tingin.

"Peste! Wag na wag mo kong mahahawakan kung ayaw mong baliin ko yang buto mo!" Matigas kong sabi sa kanya.

"Woah! Woah! High blood agad. Nagtatanong lang naman ako eh." Mas lalo siyang lumapit sakin. "So?.."

Pinakita ko sa kanya ang kamao ko. "Nakikita mo naman siguro to diba? Kung ayaw mong makatikim nito, umalis ka sa harapan ko, ngayon din!" Sigaw ko sa mukha niya.

"Sungit." Rinig kong bulong niya. "Sige na, sagot mo lang ang gusto kong marinig tapos aalis na ako." Ngumiti na naman siya. Pesteng taong to!

"Aalis ka? O magkaka-black eye yang pesteng mukha mo?" Pagbabanta ko.

Napatingin ako sa nguso niya nang humaba yun. Putragis na lalaking to, nakuha pang ngumuso!

Hindi ko alam pero parang may kakaiba akong naramdaman habang nakatitig sa nguso niya. Parang may kung ano saking ayaw makita yun kaya tinalikuran ko siya at agad umalis. Tsk. Naiwan ko tuloy yung pagkain ko. Gutom pa ako eh! >_<

"Wait! Teka lang, miss." Rinig ko pang sigaw nung bwisit pero hindi ko siya pinansin hanggang sa tuluyang makalabas.

Unang araw pa lang, may bwisit na!

Teri

"Bro, ganito nalang. Since, ayaw mo na sa mga babae at chiksboy ka parin. Ito nalang ang dare mo.." Sabi ni Laxon na kaibigan ko. Naglalaro kasi kami ng dare or dare. Seriously? Wala kang pagpipilian sa larong to kundi ang mag-dare. Ewan ko ba sa mga to kung bakit naisipan nilang maglaro. Oh well, yan naman talaga kadalasan nilang nilalaro. Parang mga bata nga eh. Dahil ayokong ma-OP at masabihang KJ, sumali narin ako. At ngayon, sakin tumapat ang bote. "Kita mo yung babae? Maangas diba? Parang tomboy." May tinuro pa siya sa harapan namin. Andito kasi kami ngayon sa canteen ng school. May 1 hour vacant kami.

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon