30

27 3 0
                                    

Chapter 30

Nally

Tumulo ang luha ko nang tuluyang natumba ang walang malay na si Teri pagkatapos ko siyang barilin sa dibdib. Sana wag kang magalit. Distraction lang ang kailangan ko kaya ginawa ko yun. Na-distract ko nga si Remel at di ito makapaniwalang nakatingin kay Teri. "Hayop." Ngisi niya saka siya humalakhak kaya binaril ko siya agad. Napaluhod siya habang sapo ang kanang binti niya. Maya-maya pa'y may narinig kaming malakas na tunog mula sa himpapawid at kita namin ang chopper na papalapit at pababa sa gawi namin.

Napatakit ako ng mata dahil sa lakas ng hangin at upang di mapuwing. "Hindi niyo ako makukuha! Hinding-hindi!" Nang makalapag ang chopper ay agad sumakay si Remel doon. Akmang lalapit si Dwight upang wag makatakas si Remel pero nagtaka kami ng may sinigaw na ibang pangalan si Remel. "Regel? Kambal, andito ka? Please save me. Iligtas at ilayo mo ako sa kanila. Sinasaktan nila ako!" Sigaw pa niya na parang batang baliw.

Nilapitan ko si Teri at pinahiga nga maayos. Ipinulupot ko ang jacket niya sa bandang sugat niya upang di siya maubusan ng dugo. Napalingon ulit ako sa chopper nang nawala na ang tunog nito dahil pinatay pala ang makina. "Remel, stop this!" Di ko inaasahang yun ang una kong marinig mula kay Regel sa una naming pagkikita. "Pamangkin mo si Teri! Kakambal mo si Regor, tigilan mo na to!"

"What? Are you an idiot?" They were the reason kung bakit ako humantong sa ganito! Yang babaeng yan!" Tinuro niya ako. "Siya ang pesteng naging bunga ng pagsasama ng mahal ko at ang sampid niyang asawa! Regel naman!"

"Hindi kasalanan ni Thalia na hindi ikaw ang minahal niya! Ano ba, Remel? Gusto mo ba talagang mabilanggo habangbuhay?" Sigaw na ni Regel.

Nakatingin at nakikinig lang kami sa kanila. "Kung ganun, mas pinili mo siya kesa sakin?" Tumango-tango pa ito na tila na-realize niyang wala siyang kakampi sa puntong iyon. "Bibigyan kita ng pagkakataon, Regel. Kung pipiliin mo sila ay parang pinilit mo na rin akong patayin ka. Kaya mamili ka, ako o sila?" Itinaas ni Remel ang baril at itinutok kay Regel. Napakawalanghiya niya!

"I'm sorry, hindi ko sila pinipili. Ang gusto ko lang ang maging payapa na ang buhay moㅡ" Hindi natapos ni Regel ang sasabihin niya dahil binaril na siya ni Remel sa dibdib.

"Sa susunod, ulo mo na ang babarilin ko." Matigas na ani Remel.

"Sige, gawin mo. Hindi magbabago ang isip ko." Matapang ding sagot ni Regel kahit pa sapo ang dibdib nitong umaagos ang dugo.

Tila huminto ang mundo ko nang binaril na naman ni Remel si Regel. Pati si Regel ay di makapaniwalang papatayin nga siya ng kakambal niya. "REMEL!"  Napalingon kami sa may pinto at nakita namin si Tito Regor na umiiyak habang di makapaniwalang nasaksihan niya ang pagtumba ng katawan ni Regel. Walang malay at puno na ng dugo ang katawan. "DEMONYO KA!" sigaw ni Tito at pinagbabaril si Remel hanggang sa mapuno na ng tama ng baril ang katawan nito at mawalan ng buhay.

Nang tuluyang makalapit si Tito ay agad niyang dinaluhan si Regel. "Regel... Lumaban ka, dadalhin ka namin sa ospital. Please, lumaban ka." Iyak niyang sambit. Napalunok naman ako at iniwas ang tingin dahil naluluha na rin ako.

"Nally, dalhin na natin si Teri sa ospital baka maubusan siya ng dugo." Saka naman ako nabalik sa ulirat at tarantang sumunod kay Dwight nang kargahin niya si Teri.

Pagkababa naming building ay nagkumpulan na ang mga pulis at yung isa ay hawak si Angela na tila wala pa sa tamang huwestyo. Putanginang adik! Nakita ko pa ang ibang mga katawang walang buhay na nakahandusay kaya kinabahan ako dahil kanina ko pa di nakikita si Uncle George at sir Abel. "Si uncle george, nasaan?"

"Pasensya na, ma'am. Pero pagdating namin dito eto lang ang mga nakahandusay at wala ng buhay ang nadatnan namin." Sagot nung isang detective.

"Detective Yu, kayo muna ang bahala rito ha. Kailangan na kasi naming dalhin sa ospital tong kasama namin." Dwight patted the detective's shoulder bago kami lumapit sa sasakyan niya.

She's My Badass Girl | BADASS DUOLOGY #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon