Chapter 43

11 0 0
                                    

Naka tanggap ako nang maraming pangangaral kahapon galing kila Kassey, pati na kila Raven na galit na galit rin sa nangyari at nalaman.

Kinabukasan ay bumalik si Dr.Azucion para sabihing umaayos na ang lagay ko at mabilis daw ang pagrecover ko na pinagpapasalamat nila.

That's why I'm eager to get out of the hospital na hindi na nila na pigilan. Kaya ngayong hapon ay lalabas na ako, naiinis parin si Ace sa 'kin dahil dun. Nagtatampo lolo niyo, parang batang di pinagbigyan.

"Sweetie, please. Magpahinga ka muna, mahahanap rin natin si Herman."pagpipilit niya sa 'kin.

"Sweetie?!"taas kilay na tanong ko.

"Yeah, sweet. I like to call you that, cause your my sugar, you gave sweetness in my bitter life"damn this man. "Silly"natatawang sabi ko.

"I'm serious,your my sweet"sabi niya at walang sabing hinalikan ang pisngi ko.

"Hey!"angal ko. Dahil sa ginawa niya.

"It's just on the cheeks"nakangusong sabi niya,damn those lips.

"Kahit na"namumulang sabi ko.

"Well next time, I'll savour this"seryosong sabi niya at hinawakan ang labi ko.

"Let's see if they'll be a next time"sabi ko at tumalikod para ayusin ang gamit ko. Mabilis lang akong natapos sa pag-aayos dahil hindi naman madami ang gamit na dinala ni Dad.

"All done?"tanong ni dad na kakapasok lang. Actually dalawa kaming lalabas ng hospital ngayon, sabi ng doctor ni Barbie pwede na daw s'yang lumabas. Kinakailangan lang naming sunduin ang sinabi ng doctor, we need to take a rest and take our meds on time.

"Ate Jess,"naka ngiting salubong no Melanie sa 'kin. Hindi siya sumama sa kuya n'yang pumasok.

She's insist to wait outside, dahil hindi n'ya rin kaya ang amoy ng hospital. Same as me, hindi ko matagalan ang amoy sa hospital.

"Jess,mabuti na lang at naka labas kana"masayang sabi nang kakarating na sina Christine,Kassey,Trixie,
Alisya,Trinity,Jane kasama din nila ang boys.

"Anong meron?"parang tangang tanong ko sa kanila.

"Syempre andito kami para i-celebrate na naka labas ka na ng kulungan"biro ni Jane.

"Gaga"natatawang sabi ko sa kanya.

"Matagal na,alam mo yan"sagot niya na nagpatawa sa 'ming lahat.

"I called them, I invite them to have a dinner with us"imporma ni Dad.

"Your lucky"natatawang sabi ko kila Jade.

"Your mean"sabi ni Jade at pumasok na ng kotse niya. Sumakay na rin kami ng van at bumayahe na pauwi.

Pagdating sa mansion ay bumungad sa 'kin ang maraming pagkain sa dinning na para bang may fiesta sa isang baryo sa dami.

"Come, have a sit"sabi ni Dad habang naka alalay parin sa siko ko. Hinila naman ni Ace ang upuan para sa 'kin.

"Thank you"pasalamat ko bago umupo.

Masaya kaming naghapunan, nag kwe-kwentuhan na parang walang problema. Pagkatapos ko,kumain ay kinuha ko si Lacy sa trolley dahil iyak ito ng iyak sa hindi malamang dahilan kumabog ng malakas ang dibdib ko at hindi ito maganda. Napa hawak ako sa dibdib ko at nilibot ang paningin sa paligid nag tataka kung bakit wala ang mga bantay ang mga maid.

"Guys"tawag pansin ko sa kanila.

"Bakit Jess?"

"Anong problema?"tanong nila.

TRIPPED LOVE (Completed) Gonna Edit SoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon