Chapter 2

60 10 0
                                    

JESSA'S POV

Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Ma'am Hannah,that I look familiar to her? Pero yun ang unang pagkikita namin, how come. I erase my thoughts about what happened earlier and resume on finding another job.

It almost midnight,hindi pa ako nakaka pag almusal,but it's okay I'm use to it. Minsan nga limang araw talaga akong walang kain.

Umaliwas ang mukha ko ng makita ko ang isang convenient store na nagh-hire. Pumasok agad ako at lumapit sa cashier.

"Ano po hinahanap niyo?"tanong ng lalaki nasa cashier

"Mag-aapply sana ako"sabi ko,nakita ko napangiwi siya dahil sa tanong ko.

"Ah.. sige tawagin ko lang si boss"sabi nya at umalis muna. ilang oras ay bumalik na siya at may kasamang lalaki na nasa mid-3, hubog na hubod ang katawan nito dahil sa fitted v-neck t-shirt niya.

"Oh! Ikaw ba ang mag-aapply?9PM - 1AM kasi ang hinahanap namin, okay lang ba 'yon sayo?"tanong niya.

"Naku, oo naman po."nakangiting sagot ko.

"Sige pwede ka ng magsimula bukas,Mike I tour mo siya saglit para alam niya kung saan nakalagay ang bawat tinda,para king sakaling may magtanong sa kanya alam niya. Ako na muna bahala dito"tumango naman yung Mike at iginaya ako, we stroll around the convenient store hindi naman masyadong malaki at maliit. Mabilis rin kaming na tapos.

Bumalik na kami sa counter, nagpasalamat ulit ako bago umalis.

"Ate Jess"masiglang salubong ng mga bata sa akin. Isa-isa silang humalik sa pisngi ko. It's already 6:30PM mabuti na lang at naka abot ako 7:00PM kasi ang oras ng pagkain ng mga bata.

"Na ka hanap kana po ba ng trabaho?"tanong ni Kevin.

"Oo, at dahil may trabaho na si ate may pa salabong ako para sa inyo"masayang sabi ko at nilabas ang letchong manok na binili ko.

Nag sihiyawan naman sila, minsan lang kasi sila makakain ng masasarap ng pagkain.

"Oh! Tara kain na tayo"sabi ko tumango sila at pumasok na,ni lock ko muna ang pinto bago sumunod sa kanila, sabay na kaming pumunta na kami sa dining area. Pagpasok ko naka hain na ang kanin at ulam, kaya kumuha ako ng lalagyan ng manok na dala ko.

"Oh, Jess bat bumili ka pa, inipon muna sana ang pera mo"sabi ni sister Felly.

"Naku, sister okay lang po yun, tsaka na kahanap po ako ng ma pagkakakitaan"masayang sabi ko

"Kids ano dapat gawin bago kumain?"tanong ko

"Pray"sabay na sabi nila.

"Okay,Jus lead the prayer"sabi ko kay justin, nakangiting tumango siya.

"Bow down you heads, close your eyes and let us pray, Papa god, thank you po sa pagkain, na binigay niyo at salamat po dahil may trabaho na si ate Jess, paki bantayan po si ate Jess, Mahal po namin si ate Jess. Salamat sa blessings papa god, Amen"

"Amen"kami

"Kain na"sabi ko

Pagkatapos naming kumain ay pinatulog ko na sila. Bukas ang unang araw ko sa trabaho kailangan maaga akong dumating. Bago ako matulog sa kwarto ko, pumunta muna ako sa kwarto ng triplets, Hinalikan sila isa-isa sa noo at umalis na. Pag katapos ay pumunta na ako sa kwarto ko nagbihis at humiga na

TRIPPED LOVE (Completed) Gonna Edit SoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon