Chapter 07
Forgotten
"Saan ka pupunta?" pagtatanong ng kapatid ni Samantha na si Angela.
"Patay," bulong ni Samantha. Akala nito ay makakatakas na siya pero hindi din pala.
"At saka bakit bihis na bihis ka? Wag mo sabihing..." sabi ni Angela. Sinadya nitong tumigil sa pagsasalita at bigyan ng mapang-asar na tingin ang nakakatandang kapatid.
Alam ni Samantha na sa tingin na iyon ni Angela, magsusumbong ito kaya nang mag-umpisang sumigaw ang kapatid, tumakbo na siya agad at tinakpan ang bibig nito.
"Shh. Wag ka namang maingay!" pigil na pigil ni Samantha na mapalakas ang boses nito.
"Hoy, ano ba naman kayong magkapatid?! Sam, bitawan mo nga yang kapatid mo! Papatayin mo ba yan?!" suway ng kanilang kakapasok lang na nanay. Mukhang galing ito sa palengke.
"So-sorry po, ma," kinakabahang sabi ni Samantha at binitawan naman agad ang nakababatang kapatid. Binigyan niya ng masamang tingin ang kapatid. Kahit natakot si Angela, nagawa pa din nitong dilaan ang kapatid at saka tumakbo palayo.
Aalis na din sana si Samantha pero napansin ng kanyang ina na bihis na bihis ito para sa Sabado.
"Aalis ka ba?" pagtatanong ng ina.
"O-opo sana," kinakabahan nitong sagot.
"Saan ka pupunta?" naglakad ito papunta sa kusina. Sumunod naman si Samantha.
"Sa... sa ano po..."
"Sinong kasama mo?"
"Wag kang magagalit, please," Hiling ni Samantha. "Si.. si Felix po."
Napatigil ang kanyang ina sa ginagawa nito at hinarap ang anak.
"Sinong Felix? Yan ba yung Felix na ginawan mo nung mango cake?"
"O-opo."
"Bakit kayo aalis? Saan kayo pupunta?"
"Hindi ko pa po alam."
"Kayo lang dalawa?"
"Interrogation ba 'to?" nagtatakang tanong ni Samantha sa sarili. "Opo."
"Ano yan?! Date?!"
"Ayan na. Galit na si mama."
Napapikit si Samantha sa pagsigaw ng kanyang ina. "Ga-ganun na nga po."
"Akala ko ba busted ka na?"
Napatingin si Samantha ng marinig ang sinabi ng ina. Hindi na galit ang tono ng pananalita nito. Nakita niya ang ina na nilalabas lahat ng pinamili nito mula sa bayong.
"Hindi ka po galit?"
"Galit? Hindi. Kung na-busted ka na noon, wala ka ng pag-asa," kaswal na sabi ng ina.
"Aray ko naman, ma. Hinay hinay naman. Masakit e," sabi nito at lumapit sa ina.
"Baka naman gusto lang niyang bumawi sa ginawa niya sa'yo kaya magde-date kayo ngayon," dagdag pa nito. Nang marinig ito, parang natauhan si Samantha.
"Oo nga. Bakit hindi ko 'yon naisip? Gusto lang niya ang bumawi. Hindi niya ako gusto. Hindi ito isang date," sabi ni Samantha sa sarili. Tiningnan niya ang sarili. Ayos na ayos pa naman ito. Gusto niyang maging maganda sa harap ni Felix kaya nag-abala talaga siyang mag-ayos. Pero sa sinabi ng kanyang ina, tumakbo ito pabalik sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Waiting To Hear You Say "I Love You"
RomanceI'm PLANNING to revise the first season of this story (LFAC:HYM,TIY). I'm also PLANNING to revise this sequel. May mga chapters kasi that I find irrelevant to the story. Original plan din kasi ay 50 chaps lang pero naging 60 na. But if you're still...