Chapter 08
Disapointed
Pababa na sana si Felix nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Sinilip niya ito.
From: Amethyst
I know you're in a hurry, but keep in mind that you still need to be careful. Good luck sa date nyo (kung maabutan mo pa sya sa park) ..
Tinago na ni Felix ang cellphone niya sa kanyang bulsa at bumaba na. Pagkababa nito sa kotse ay tumakbo siya agad papunta sa central park. Wala ng masyadong tao sa parke dahil madilim na. Hindi na nag-abala pa si Felix na tumigil at maghabol ng hininga. Hinanap niya agad si Samantha.
Ilang beses nang nalibot ni Felix ang parke pero hindi nito nakita ang dalaga. Tiningnan niya ang wristwatch niya.
10:14PM na.
Feeling tired, Felix sat at the nearby bench. Naghahabol na ng hininga si Felix nang makaupo siya.
"She left," may lungkot sa boses ni Felix ng ibulong niya ito sa hangin. Sinisisi niya ang sarili. Bakit nga ba niya nakalimutan na may date siya ngayon?
Pinatong ni Felix ang mga siko sa magkabila niyang hita, pinagdaop ito at tumungo.
"She'll probably hate me more now," bulong nito sa hangin. Sino nga ba namang babae ang matutuwa sa kanyang ginawa? Siya na ang nag-aya na magde-date sila ngayon pero siya pa mismo ang nakalimot sa date na 'yon.
Gusto man niyang tawagan si Samantha o kaya ay i-text, hindi naman nito magawa dahil wala siyang number ng dalaga.
Saktong alas onse ng gabi, napagdesisyunan ng umuwi ni Felix. Mukhang nakauwi na nga talaga si Samantha.
Pagkauwi niya ay dumeretso na siya sa kanyang kwarto. Papasok na sana siya sa kwarto niya nang biglang magbukas ang pinto sa tapat ng kwarto niya.
Hindi na lang sana niya ito papansinin pero tinawag siya ng may ari ng kwartong iyon.
"Felix, kamusta? Naabutan mo pa si Samantha?"
Walang lingon lingon siyang umiling pagkatapos ay pinihit ang door knob ng kanyang kwarto.
"Sayang. Kung may cellphone lang sana si Samantha, edi sana, kahit ako na lang ang tumawag sa kanya---" Napalingon sa kanya si Felix. "---Edi sana natuloy pa kayo sa date nyo."
"Wait. What did you just said?"
"Ha? Alin? Yung natuloy sana date nyo?"
"No. Samantha having no cellphone."
"Ay yun ba? Oo eh. Wala siyang cellphone. Sinubukan ko kasing alamin ang phone number niya nung nagkasalubong kami nung lunch break. Nung wednesday ata yun? Hmm. Or was it thursday?" pagpapaliwanag ni Amethyst at pinilit alalahanin ang saktong araw kung kailan niya nakasalubong si Samantha sa school nila. Pero walang pakialam si Felix sa araw na 'yon.
"She doesn't have a cellphone?" pagtatanong ni Felix sa sarili pero narinig ito ni Amethyst.
"Ulit-ulit tayo, Felix?"
"I see."
Pumasok na sa loob ng kwarto si Felix.
"Hey. Kausap pa kaya kita," may pagtatampo sa boses ni Amethyst nang sabihin ito. Binuksan ni Felix ng bahagya ang pinto ng kwarto nito.
"Good night, sis," pagkasabi ay sinara na ulit ang pinto.
"Hmp. Sige na nga. Good night din," sabi ni Amethyst at pumasok na rin sa loob ng kwarto niya. Mukhang gusto lang niya talagang kamustahin ang kapatid kaya ito lumabas ng kwarto.

BINABASA MO ANG
Waiting To Hear You Say "I Love You"
RomanceI'm PLANNING to revise the first season of this story (LFAC:HYM,TIY). I'm also PLANNING to revise this sequel. May mga chapters kasi that I find irrelevant to the story. Original plan din kasi ay 50 chaps lang pero naging 60 na. But if you're still...