Chapter 06 --- First Kiss

58 2 0
                                    

Chapter 06

First Kiss

"Ako ba ang last subject ninyo ngayon?" Pagtatanong ng professor ni Amethyst sa buong klase. Halos lahat naman ay sumagot ng "Opo".

"Well, that's good then. I was planning of having a pairing up project. Ito na ang exam ninyo for prelim. The truth is, I won't be able to completely attend the class for the preliminaries. Alam naman siguro ninyo na ililipat ako ng school na tutuuruan. So, I just want you to pass me a design of your own, with the help of your designated partner," pagpapaliwanag nito. Kinuha niya ang fish bowl na dala niya na may lamang mga nakatiklop na papel.

"Pero ayaw ko na kayo ang pipili ng partner. Lalaki ang pabubunutin ko sa fish bowl na ito. Puro pangalan ito ng babae sa klaseng ito," sabi niya habang inaalog ang fish bowl. Matapos magpaliwanag ay ibinaba niya ang fish bowl sa lamesa at kumuha ng panibagong fish bowl.

"Dito naman sa kabilang fish bowl ay babae ang bubunot. Nandito sa fish bowl na ito kung ano ang theme ng design at kung ano ang lugar na kailangan gawan ng design. Naintindihan niyo ba?"

"Opo," the whole class said unison. Bakas sa kanila ang excitement sa project.

"So, start na tayo. Dahil gasgas na ang linyang 'Lady's first', uunahin natin ngayon ang lalaki. Kapag nakakuha na ng partner, ang babae naman ang bubunot. Sa klase ko, ang kapartner ninyo ang magsisilbing seatmate ninyo until the first semester ended."

Inalog alog na ng professor nila ang fish bowl at isa isang nagtawag ng lalaking estudyante.

Laging nakakaramdam ng kaba si Amethyst tuwing may lalaking bubunot.

"Sana, masipag ang maging kapartner ko," hiling ni Amethyst.

"Salvador, Archie," tawag ng kanilang professor.

Nagdoble ang tibok ng puso ni Amethyst ng marinig ang pangalan ni Archie. Kakaiba talaga ang epekto ng binata sa dalaga.

Pinanood ni Amethyst ang binata sa paglalakad papunta sa unahan. Kitang kita na tamad na tamad itong maglakad papunta sa unahan.

"Mag vitamins ka kaya, Archie. Ang lantang gulay mo eh," puna ng kanilang professor nang marating ni Archie ang unahan. Hindi ito pinansin ng binata at bumunot na lang sa fish bowl. Binigay ni Archie ang papel na nakuha sa professor.

Pagkabuklat ng papel, binasa ito ng malakas ng kanilang professor. "Gonzalez, Amethyst."

Nanlaki ang mata ni Amethyst.

"Ka-kapartner ko siya?" Pagtatanong sa sarili. Hindi malaman ni Amethyst kung matutuwa ba siya dahil magkapartner sila, o madidismaya dahil alam niyang tamad na tao itong si Archie.

Kahit kinakabahan ay pinilit pa din ni Amethyst na tumayo at pumunta sa unahan. Kailangan niyang bumunot ng theme at lugar ng gagawan nila ng design.

Pagkabunot ay binigay niya ito sa professor upang mabasa ng malakas sa buong klase.

"Ang theme ay happy small family. Kailangan niyong magdesign ng isang bahay."

Napangiti si Amethyst. Mapaglaro ang isip niya pagdating sa pagdidisenyo ng pang pamilyang bahay. Maswerte siya at ito ang nabunot niya.

"Remember to work together, Ms. Gonzalez," pagpapaalala sa kanya ng kanilang professor. Alam ng kanilang guro na forte ito ni Amethyst. Madalas mapuri ang dalaga sa tuwing may makakakita ng mga disenyo niya.

Waiting To Hear You Say "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon