Chapter 47 --- Friday and Saturday

26 2 0
                                    

Chapter 47

Friday and Saturday

Friday. Dapat hindi aligaga si Samantha. Ito ang araw na pinakagusto niya dahil weekend na kinabukasan. Ibigsabihin, walang klase. Pahinga niya. Kaya nga hindi niya maintindihan kung bakit parang pinagtitripan na naman sya ng kung sino nang magsimula ang klase niya sa huling subject para sa araw na iyon, at may announcement ang professor niya na talaga namang nakapagpatakas na lang ng kaluluwa niya sa katawan niya. Pagdating kasi niya sa kusina kung saan dapat sila ay magkaklase, may grupo ng estudyante, na sakto na para sa isang section, ang nandon at nakapila sa unahan. At ang pinaka hindi niya nagustuhan ay ang nakita niyang isa doon si Felix. Akala ko ba sa Maynila siya mag-aaral?!

Hindi makakilos ng tama si Samantha. Ni hindi na nga yata siya humihinga. Gusto niyang tumakbo palabas at umiyak na lang, dahil prisensya pa lang ng binata, ang sakit sakit na para sa kanya. Hindi nakatulong ang mga mata nitong sa kanya lang nakatingin. Hindi siya mapakali!

Her professor saying pleasantries pulled her back to sanity.

"Hindi naman na bago sa inyo ito. Noong first year kayo, nagkaroon din kayo ng ganitong training."

Nang maalala niya ang tinutukoy ng professor ay bigla syang kinabahan. Alam niya ang training na iyon dahil noong first year siya, ni-require din silang gawin iyon. Her professor designated each fourth year students that will guide each of her classmates in the training. Kumbaga, isang trainor at isang trainee.

Laking pasasalamat niya noon at nakasundo niya ang fourth year student na napunta sa kanya. She wasn't so strict but knows how to teach her the way she'll truly understand. Hanggang ngayon nga ay ginagamit pa rin niya ang techniques at styles sa pagluluto at sa plating na naituro nito sa kanya noong first year siya.

Her professor explained how the training goes for the sake of the first years. Nakinig naman ang mga ito. Samantalang siya,hindi na niya nagawang makinig sa dalawang rason.

Una, dahil alam na niya kung ano ang gagawin sa training nila.

Pangalawa, dahil kinakabahan na siya.

Kung random ang pagpili na gagawin ng professor niya, maliit ang tyansa na maging trainor siya ni Felix. Kaya inisip na lang niyang malabong mangyari na siya ang maging trainor nitong binata. At isa pa, karamihan ng first year ngayon ay babae, karamihan naman sa mga kaklase niya ay lalaki. Kung by gender ang pagpili, mas lalo ng liliit ang tyansa na maging trainor siya nito. Tama. Tama. Kalma lang, Samantha. Nagiging OA ka lang mag-isip.

As she tries to calm herself, nagsalita ng muli ang professor niya na silang mga fourth year students naman ang kinakausap. Kahit alam na nila ang gagawin at kung ano ang mangyayari ay in-explain pa rin nito lahat upang maging malinaw.

Nang magbuklat na ng record book ang kanyang professor ay nagsimula na naman siyang kabahan. Ibigsabihin, igugrupo na sila.

"Now, I'll be designating each-"

Naputol ang pagsasalita ng kanilang professor nang magtaas ng kamay si Felix at magsalita, na talaga namang nagpakaba pa ng sobra kay Samantha.

Sa binata napunta ang atensyon ng lahat pero siya, hindi niya magawang tumingin dito.

"May I suggest something?"

Boses pa lang nito, alam niyang nami-miss na niya. At alam niyang hindi naman dapat.

"Yes, Mr. Gonzalez? Ano 'yon?"

"Can we pick our own trainor, so that we'll be comfortable during the training?"

Naghiyawan ang mga kaklase nito sa pagsang-ayon. Siya naman ay napabuntong hininga.

It was a sigh of relief.

Waiting To Hear You Say "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon